HATAWAN
ni Ed de Leon
ANO na nga ba ang kalagayan ng moralidad sa showbusiness ngayon? Para kasing madali nang mag-artista at matawag na artista. Maghubad ka lang at magbuyangyang ng ari mo artista ka na.
Matindi ang tsismis, isang male star daw na nagkapangalan sa pagbubuyangyang ng ari sa pelikula ang madalas na nagsa-sideline sa isang watering hole sa south. Kilalang istambayan din iyon ng mga mayayamang bading, pero ini-snob niya ang mga mayayamang bading, dahil mayroon siyang “booking agent” na nagpapakilala sa kanya sa mga turistang Japanese gays. Mahilig siya sa baklang Hapon, kasi mas malaki raw magbayad.
Ang masakit nababalita iyan at sinasabing “artista” siya.