HATAWAN
ni Ed de Leon
TINGNAN ninyo ang buhay, noong nakaraang taon lamang ay naging kontrobersiyal si Mark Herras nang matalakan siya dahil umano sa pangungutang ng P30k na gagamiting pambili ng gatas ng anak niya at para sa ibang pangangailangan. Isipin ninyo, ikinompara pa siya sa isang kasambahay na may mas malaki pa raw naiipon sa banko.
Tahimik lang si Mark, pero ngayon ang balita ay ipinagpapatayo na niya ng isang modern house na titirahan nilang mag-asawa, si Nicole Donesa at para sa kanilang anak na si Corky.
Nagsikap si Mark para patunayan ang kanyang kakayahan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.
Tiyak may manlalait na naman diyan at sasabihing ipinagpatayo niya ang anak niya ngayon, pero ang dalawa niyang anak na babae kay Lian Paz, hindi niya nasustentuhan. Pero hayaan na ninyo iyon. Huwag na ninyong pakialaman ang personal nilang buhay. Ang mahalaga nagsisikap ngayon si Mark para sa kanyang pamilya.