Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Neal Tan Krista Miller Conan King Drei Arias Bingwit

Direk Neal Tan, tiniyak na mag-eenjoy ang mga gay at barako sa Bingwit

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG pelikulang Bingwit ang isa sa kaabang-abang sa AQ Prime na liglig, siksik, at umaapaw ang mga handog na palabas sa mga manonood. Katunayan, sa pagbubukas nito ay garantisado na sa halagang P100 ay mai-enjoy ng tatlong buwan ang panonood ng mga pelikula, programa, at pagtatanghal dito.

Napakasulit ng pa-promong ito na sadyang ginawa para sa ikaliligaya ng lahat. At kung ligaya ang pag-uusapan, isa rin sa mga unang handog ng Original Movies ng AQ Prime ang Bingwit na pinagbibidahan nina Krista Miller, Conan King, at Drei Arias. Mula kay Direk Neal “Buboy” Tan, tampok din dito sina Rob Sy at Aldwin Alegre.

Kuwento ito ng babaeng maharot na pinapak, ginamit at biningwit ang dalawang nilalang dahil sa tawag ng laman.

Ang masasabi niya sa pelikulang Bingwit? Esplika ni Direk Neal, “Matapang, pinakamatapang na ginawa ko iyan sa tanang buhay ko. Kasi, alam ko na sa streaming daraan ang pelikula, kaya malayang-malaya ako.

“Mayroong BL (Boy’s Love) itong movie, still nandoon pa rin ‘yung kuwento at ‘yung content ng isang pelikula. Kompleto at technically, hindi namin ito tinapos na basta-basta lang para maipalabas na. Talagang dumaan kami sa processing na pang-international standard.

“Actually, kakaiba kasi iyong kuwento nitong Bingwit, kasi nga ay napaka-unpredictable ng kuwento. Kapag pinanood mo iyong pelikula, aabangan mo ang mga eksena between the two guys.

“Kasi ginamit sila ng isang bobitang dating starlet sa pelikula na nakapangasawa ng corrupt na congressman. Sila iyong dalawang nagme-maintain ng fish yard pero sa huli… basta abangan n’yo. Kasi ang kuwento nito para silang nagbabalatkayo lahat, so, naggagamitan sila bale rito sa movie.”

Mag-e-enjoy ba ang mga lalaki at gay sa movie niyang Bingwit?

“Yes, mag-e-enjoy ang mga lalaki at bading dito, hindi harang, wala akong pinutol dito. Of course ang mga barako, mag-e-enjoy sila sa makikita nila rito kay Krista, palaban siya at walang arte sa mga daring scenes,” masayang wika ni Direk Neal.

Kung handa ka nang magpa-Bingwit, i-download lang ang AQ Prime sa Apple at Google Play Store para mapanood na ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …