ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang bagong nakilala mula sa bar. Wala siyang ideya na impiyerno ang kasunod nito!
Ang bagong pelikula nina Sean de Guzman at Cloe Barreto na palabas na sa Vivamax ngayong August 12 ay hindi dapat palagpasin. Titled The Influencer, ito ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Luisito Lagdameo Ignacio.
Tiniyak ni Sean, ito ang pinaka-daring na nagawa niyang pelikula. “Mas daring pa sa daring… Ito na siguro ang pinakamalalang pelikulang nagawa ko, malala as in malala talaga… pinaka-grabe! As in ibinigay ko na ang lahat, kasi ang ganda ng istorya eh, kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya.”
Si Sean ay gumaganap bilang Yexel, isang sikat na social media influencer. Lagi siyang pumpunta sa bar para maka-pick up ng babae. Isa na roon si Nina (Cloe), na mula sa bar ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nakasiping niya ito. Iniyabang pa ni Yexel na nakatikim siya ng “best sex” kasama ito.
Nang tawagan siya ulit ni Yexel, pinaniwala niya ang sarili na boyfriend na niya ito. Naging stalker siya ni Yexel at nagagalit tuwing nakikita niya ito na may kasamang ibang babae. Kahit anong pagtataboy ni Yexel kay Nina ay hindi ito natinag.
Ano ang kayang gawin ni Nina para tuluyang mapasakanya si Yexel?
“Dito, umabot sa nagkaletse-letse na ang buhay ni Yexel simula nang dumating ang babaeng iyon (Nina) sa buhay niya. Kaya sobrang lala talaga ang nangyari sa mga character na kasama rito,” kuwento pa ni Sean.
Ito ang ikalawang pelikula ni Cloe na isinulat ng kaibigang si Quinn Carrillo, na writer din ng Tahan. Mapapanood ang The Influencer sa Vivamax ngayong August 12, 2022.
Produced by 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy, tampok din dito sina Ms. Elizabeth Oropesa, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Tiffany Grey, at Quinn.