Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zeinab ipinagmalaki ang fresh breath dahil sa Beautéderm, grateful kay Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BAKAS ang kagalakan kay Zeinab Harake dahil siya ang buwena manong pasabog ng Beautéderm Corporation sa kanilang month-long 13th anniversary celebration.

Opisyal na bilang oral care brand ambassador si Zeinab sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair. Ito ay developed, tested, at manufactured sa Japan, ang KO-REI-SU ay kombinasyon ng mga salitang Nihongo na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

“Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nang sinalubong nila ako. Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang-iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dati. Perfect ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko rito at pinoprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair, nasa next level talaga sila,” pahayag ni Zeinab.

Layunin ng Beautéderm na gawing isang top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito ay fluoride-free at triclosan-free na mayroong very minimal ingredients na dahilan bakit ito ligtas gamitin at epektibo para sa buong pamilya. Gawa ang Koreisu sa Sodium Bicarbonate (baking soda) kaya ligtas itong alternatibo sa mga commercial toothpastes na hindi isinasakripisyo ang mga anti-plaque benefits habang nilalabanan ang tooth-decay na nagdudulot ng bacteria. Ang brand na ito ay whitening toothpaste din na mayroong activated charcoal na nagtatanggal ng mantsa sa ngipin at ‘di kanais-nais na amoy.

Ang Etré Clair naman ay mga produktong antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng Beautéderm. Gawa sa 100% organic na mga sangkap, ang Etré Clair ay isang minty breath freshener na may mabisang antibacterial at antiseptic properties na pumapatay ng bacteria at nilalabanan ang bad breath. Gaya ng Koreisu, pinapuputi rin nito ang ngipin sa pagtanggal ng mga mantsa at pinatitingkad nito ang pusyaw na ngipin para sa isang vibrant, at mas confident na ngiti.

Ang Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ay excited na makasama siya sa lumalaking pamilya nila. “Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na merkado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms.

“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador,” sambit ng lady boss ng Beautéderm.

Si Zeinab ay excited sa mga one-of-a-kind adventures kasama ang kanyang Beautéderm family. Masayang sabi niya, “Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more support for Beautéderm and I am honored to be a part of that.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …