Sunday , December 22 2024

‘Wag naman…

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? Oo ikaw na nagpakalat ng fake news kaugnay sa kanyang amang ni dating House Speaker Sonny Belmonte?

Kung ikaw ay may galit sa alkalde dahil lamang sa politika, huwag nang idamay ang kanyang ama na naging alkalde rin ng lungsod, at sa halip ay si Mayor Joy na lamang ang tirahin mo.

Nitong nakaraang linggo, hindi biro o maituturing na masamang biro ang kumalat na fake news na patay na raw si Speaker Belmonte. Marami ang nagulat sa ulat – marami kasing nagmamahal sa dating alkalde.

Kaya malamang na walang tigil ang tunog ng cellphone ng pamilya Belmonte para alamin ang katotohanan niyan. Hayun, napatunayan na ‘koryente’ lang ang balita. Fake news dahil buhay na buhay ang ama ng two-termer na alkalde ng lungsod.

Sa isang statement, inilinaw ni Mayor Joy na fake news ang balitang pumanaw na ang kanyang ama.

“There is absolutely no truth to this alleged ‘Breaking News’ item. By God’s Grace, my father is alive, well, and in good spirits. I would like to thank those who expressed concern, and took the time to verify if the reports were true or not. I can assure everyone that my Dad is perfectly healthy,” pahayag ni Mayor Belmonte.

“I would like to request all truth-loving netizens to kindly refrain from sharing this false information, and if possible, correct it if they encounter it on their social media feeds,” dagdag ng alkalde.

Bilang patunay pang buhay si dating Speaker ay nagpa-interview siya sa mga mamamahayag na nagpapakita na siya ay buhay na buhay at malusog ang pangangatawan.

E sino ba kasi ang may kagagawan nito? Sa grupong nasa likod nito, kung may galit kayo kay Mayor Joy, huwag nang idamay ang kanyang ama. Wala naman kayong mapapala sa pinaggagawa ninyo. Mayroon ba kayong napala nang ikalat niyo ang fake news? Nadagdagan ba ang buhay mo/ninyo ng ilang araw sa pagpapakalat ng fake news?

Ngayon, kung nagawa ninyo ito dahil lamang sa politika at dahil talunan ang inyong grupo sa nagdaang halalan, huwag pa rin idamay ang matandang Belmonte dahil wala naman siyang kinalaman sa nagdaang halalan. Taongbayan ang nagsalita para kay Mayor Joy kaya siya’y nanalo.

Sa tingin ko ay malamang na desperado na ang mga nasa likod ng fake dews. Wala kasi silang makitang ‘butas’ laban kay Mayor Joy sa pamumuno niya ngayon kaya, kung ano-anong paraan na lamang nilang istorbohin ang alkalde sa pagtatrabaho o paglilingkod nito sa mamamayan ng lungsod.

Malinis at maganda kasi ang palakad ng alkalde sa lungsod bukod sa naging prayoridad ang mamamayan dahilan para walang makitang isyu laban sa babaeng lider. So, para lang mapansin ang mga kalaban, hayun kung ano-ano na lamang ang ikinalat sa social media. Desperado na talaga ang mga katunggali ng alkalde sa politika.

Bagamat, ang kagandahan naman nito ay hindi nagpaapekto si Mayor Joy sa fake news, tuloy pa rin ang kanyang serbisyo publiko sa mamamayan ng lungsod. At malamang na iyan ang kinaiinggitan sa alkalde.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …