Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga

IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star na si Zeinab Harake na kabilang na siya ngayon sa Beautederm family bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng ineendoso niyang Koreisu Family Toothpaste at Etre Clair. 

Ibinahagi ni Zeinab ang kanyang kasiyahan sa pagiging Beautederm baby sa kanyang post sa Instagram. “Happy & honored to be officially part of the BEAUTeDERM family as we partner in advocating oral & dental health with Koreisu Family Toothpaste & Etre Clair Mouthwash & Mouth Spray! Happy 13th Anniversary to my Dearest BEAUTeDERM Family!”

Bilang isang certified star na may mahigit sa 50 million na followers sa iba’t ibang platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga lifestyle vlogs at challenges na paborito ng mga netizen hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin. 

Mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair. 

Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong ipinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating magsipilyo tatlong beses sa isang araw,” sabi ni Zeinab.

Kaya naman masayang-masaya siya na endorser na siya ngayon ng toothpaste at mouthwash para sa complete oral at dental protection.

Thankful nga si Zeinab sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Beautederm sa pangunguna ng CEO at President nito na si Rhea Anicoche Tan.

Ramdam ko ang pagmamahal nila noong sinalubong nila ako lalong-lalo na si Mommy Rei na very welcoming and generous pa,” bulalas ni Zeinab. “Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang-iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dati. Perfect din ang Etre Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko rito at pinoprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair.”

Excited din si Ms. Rhea na kasama na si Zeinab sa lumalaking pamilya ng Beautederm. “Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na merkado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms. Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador,” papuri ni Ms. Rhea kay Zeinab. 

Looking forward na si Zeinab sa iba pang campaign at promotional activities na gagawin niya with Beautederm lalo na sa pagdiriwang ng anibersaryo nito. 

Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more suppjort for Beautéderm and I am honored to be a part of that,” ani Zeinab.

Developed, tested, at manufactured sa Japan, ang KO-REI-SU ay kumbinasyon ng mga Nihongo na salita na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth). 

Layunin ng Beautéderm na gawing isang top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito ay fluoride-free at triclosan-free na mayroong very minimal ingredients na dahilan kung bakit ito ligtas gamitin at epektibo para sa buong pamilya. Gawa ang Koreisu sa Sodium Bicarbonate (baking soda) kaya naman ligtas itong alternatibo sa mga commercial toothpastes nang hindi isinasakripisyo ang anti-plaque benefits habang nilalabanan ang tooth-decay na nagdudulot ng bacteria. Ang brand na ito ay whitening toothpaste rin na mayroong activated charcoal na nagtatanggal ng mantsa sa ngipin at hindi kanais-nais na amoy.

Ang Etre Clair naman ay mga produkto ng antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng Beautéderm. Gawa sa 100% na organic na mga sangkap, ang Etré Clair ay isang minty breath freshener na may mabisang antibacterial at antiseptic properties na pumapatay ng bacteria at nilalabanan ang bad breath. Gaya ng Koreisu, pinapaputi rin nito ang ngipin sa pagtanggal nito ng mga mantsa at pinatitingkad din nito ang pusyaw na ngipin para sa isang vibrant, at mas confident na ngiti. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …