Saturday , November 8 2025
Krystall Herbal Oil Krystall Herbal Nature Herbs Krystall Yellow Tablet

Volunteer health worker alagang Krystall handog sa mga inaaalalayan

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Datnan po sana kayo ng liham na ito na nasa maayos na panahon ang kapaligiran, pero tag-ulan na nga. Walang araw na hindi umuulan, at walang araw na hindi binabaha ang Metro Manila, kaya malamang sablay ang wish namin. Hehehe…

               At ‘yan po ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapawala ng Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, at Krystal Vitamins B1 B6.

               Ako nga po pala si Ester Sanchez, 31 years old, isang health volunteer sa aming barangay dito sa Caloocan City.

               Ang amin pong gawain bilang health volunteer ay mag-stay sa health center. May kanya-kanya po kaming tokang araw. Ako po Thursday o kaya naman ay Friday.

               Pero ngayong tag-ulan, on call po kami lalo na kung may emergency cases, like panganganak, stroke, at iba pang karamdaman na nangangailangan ng pag-alalay para dalhin sa ospital.

               Isang araw po ay napalusong ako sa baha kasi may ni-rescue kaming mag-anak na nakatira malapit sa creek. Ayaw pong umalis kahit lubog na sila. Aba hindi po puwede kaya habang hinihikayat namin silang lumipat ay tinatanong namin kung ano ang mga gamit na dadalhin. Una na rin naming iniakyat ang tatlong bata, edad 13, 10, 8 anyos.

               Hanggang namalayan na lang nila nai-rescue na namin sila. Nang makit po nila ang bahay nila na lubog na sa baha, ay naku, doon na po sila naiyak nang husto. Nabagbag po talaga nang husto ang puso ko.

               Nang nadala na namin sila sa evacuation center, binigyan namin sila ng distilled water na 10 liters, timba at tabo, sabon, shampoo, bimpo, at tuwalya para sabunin at linisin ang kanilang mga paa.

               Nakabuti rin po na may electric kettle na ipinahiram ang barangay.

               After mag-wash (pati po ako nag-wash na rin) dinampi-dampi ng tuwalya ang katawan para matuyo pagkatapos ay tinuruan ko silang maghaplas ng Krystall Herbal Oil para huwag sila ginawin. PInainom ko rin sila ng Vit B1 B6, at ang importante ang Krystall Nature Herbs para tuluyang mainitan ang kanilang katawan.

               Maraming, maraming salamat po Sis Fely Guy Ong at patuloy ninyong inaalalayan kaming mga tagasubaybay ninyo.

               Mabuhay po kayo.

ESTER SANCHEZ

Caloocan City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Manny Pacquiao MannyPay

Manny sa flood control projects: Noon ko pa isinisigaw ‘yan na-bash pa ako

MA at PAni Rommel Placente SA pakikipag-usap namin sa Pambansang Kamao at dating senador na …

Angas Libreng Sakay FEAT

Libreng sakay ng DOTr, MMDA, at Angkas, hanggang 5 Nobyembre

NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang ride-hailing …

Krystall Herbal Oil

Paggunita sa Undas ng isang pamilya hindi naunsiyami dahil sa bisa at husay ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Ako po …

Bianca Tan Meowffin Town Cat Cafe

Bianca Tan protektado fur babies sa negosyo

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging aktres ay pinasok na rin ang pagnenegosyo ni Bianca Tan via …

Manny Pacquiao MannyPay

Manny Pacquiao pagagaangin buhay ng mga Pinoy sa MP 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinalita ng Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao ang kanyang bagong negosyo …