HATAWAN
ni Ed de Leon
IYONG isang malungkot na kanta, na sinasabi niyang ginawa niya noong panahon ng quarantine dahil sa Covid ay ginawan niya ng bagong treatment para maging pop, at iyon nga ang unang recording ng singer at songwriter na si Silas, na ngayon ay ini-launch na nga bilang pinakabagong recording artist ng Vicor Music.
Matagal nang hindi naglo-launch ng bagong artist ang Vicor Music, tutal nasa kanila naman ang isa sa pinakamalaking catalogue ng Philippine music, pero nang marinig nila ang musika ni Silas, nakumbinsi silang i-launch iyon.
Narinig na rin namin ang kanyang kantang Hauntingly at palagay namin magiging hit iyon hindi lang sa Pilipinas, after all magiging available siya sa lahat ng music platforms na naa-access kahit na sa abroad.
Pero may isa pa. Twenty-one lang si Silas, at may hitsura.
Hindi rin malayong isang araw ay pagawin siya ng pelikula. Na siguro hindi naman niya tatanggihan kasi inaamin niya na noong bata pa siya, may ambisyon din siyang maging artista.