Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Maristela

Vince Maristela bagong aabangan sa GMA

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Vince Maristela ang itinuro ng kapwa niya Sparkle artist na si Raheel Bhyria na mas hunk sa kanilang dalawa kaya hindi niya ito lalabanan sa pagpapakita ng abs at katawan.

Hiningan namin si Vince ng reaksiyon sa sinabi ng kapwa niya Sparkada/Sparkle artist.

“Hindi mukhang siya ‘yung mas hot sa akin eh,” at natawa si Vince.

Naniniwala ba si Vince na wala dapat kompetisyon sa kanilang mga artista?

Siguro ano mayroong, like, hindi ko sineseryoso masyado ‘pag, sa kanila kasi magkakaibigan kami and kakatapos lang namin sa project so wala pa. Hindi ko pa nakikita na competition sila Raheel, Saviour, kasi parang may kanya-kanya kaming project po.”

Ang isa pang Sparkada artist na si Saviour Ramos ay isa rin sa mga hunk ng Sparkle ng GMA Network. Isa sa mga cast member  si Vince sa Wattpad series na Luv Is: Caught In His Arms na collaboration ng Wattpad at GMA.

Samantala, ang Kapuso leading lady na si Bianca Umali ang crush ni Vince at nais makatrabaho in the future.

“Gusto ko lang ‘yung aura niya, ang lakas ng dating niya so parang, ewan ko, nasa-starstruck din ako,” ang tila nahihiyang muling pagtawa ni Vince.

Hindi pa niya nakikilala ng personal si Bianca.

Ano sa palagay ni Vince ang nakita sa kanya ng GMA para papirmahin siya bilang exclusive contract artist ng Sparkle?

“Siguro po ano, ‘yung personality ko rin po, sobrang laking factor niyon. Na marunong akong makisama, wala po akong pinipiling tao, mataas man o mababa.

“Like I treat them as equal, iyon lang po. And siguro masasabi ko funny ako. Ha! Ha! Ha!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …