HATAWAN
ni Ed de Leon
NATAKOT na bigla ang isang male star, na talamak naman ang pakikipag-date sa mga bading noong araw, matapos daw mapanood sa telebisyon si Kim Atienza, na nagsabing nakukuha sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki ang labis na kinatatakutang “monkeypox.”
Mali at tama. Tama na ang pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki ay sinasabing maaaring pagmulan ng “monkeypox.” Kagaya rin ng HIV/AIDS, kung magkakaroon sila ng abrasion sa pagtatalik, maaaring lumipat ang virus. Mali dahil hindi lang sa pagtatalik ng mga bading makukuha ang monkeypox virus, at hindi ibig sabihin na kung babae at lalaki ang magtatalik ay hindi possible ang monkeypox.
Tama at mali pa rin. Tama dahil nagreport lang naman si Kim kung ano ang sinasabi ng mga eksperto sa monkeypox. Mali dahil hindi naman dapat paniwalaan si Kim tungkol sa mga sakit dahil hindi naman siya doctor. Ganoon din hindi namin maintindihan kung bakit pinalalabas siyang weather expert ganoong hindi naman siya meteorologist.