Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katips FAMAS

Vince Best Director,  Best Actor
KATIPS BIG WINNER SA FAMAS 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAG-UUMAPAW sa kasiyahan si Direk Vince Tanada dahil ang pelikulang Katips na kanyang idinerehe, ipinrodyus at isinulat ay itinanghal na Best Picture sa ginanap na 70th FAMAS Awards noong July 30. Idagdag pa riyan ang Best Director at Best Actor awards na parehong iniuwi ni Vince, na bihirang mangyari sa isang awards night.

Big winner nga ang Katips sa FAMAS dahil bukod sa naturang major awards na napanalunan nito ay nagwagi rin para sa naturang pelikula sina Johnrey Rivas—Best Supporting Actor; Manuel Abanto—Best Cinematography; Pipo Cifra—Best Musical Score; at Best Original Song naman ang Sa Gitna ng Dulo (music by Pipo Cifra, lyrics by Vince Tanada).

Hindi man nanalo, proud pa rin sa kanilang nominasyon sina Jerome Ponce (Best Actor), Nicole Laurel Asensio(Best Actress), Adelle Ibarrientos (Best Supporting Actress), Mon Confiado (Best Supporting Actor), at ang iba pang nominado sa technical categories.

Para kay Direk Vince, feeling vindicated siya dahil sa maraming awards na napanalunan ng Katips matapos hindi mapabilang sa official entries ng 2021 Metro Manila Film Festival. Iyon pa nga lang 17 nominasyon sa FAMAS na nakuha ng Katips ay patunay na maganda ang pelikula. Ngayon ay nagwagi pa ito ng maraming awards.

Matapos mahinto ang pagpapalabas noong isang taon dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases, ang Katips ay muling ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa August 3, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …