Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rico Blanco Araneta

Rico Blanco sabik makapag-concert sa Araneta

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG nasasabik nga ang dating soloist ng River Maya at solo artist nang si Rico Blanco na makabalik sa isang concert sa Araneta Coliseum, mas lalo namang excited ang fans na muli siyang mapanood. Aba eh noong media conference pa lamang ng concert, nagkakagulo ang fans nang masilip sa loob si Rico, at kahit na nasa labas sila, tuloy sila sa pagkuha ng pictures. At nang kawayan sila niyon, nagsigawan talaga sila. Kitang-kita mo ang pananabik nila sa singer. Ibig sabihin, oras ngang magsimula na iyang bentahan ng tickets sa Ticketnet ngayong araw na ito, malalaman natin kung gaano karami ang bubuhos na tao sa September 11.

Nakapag-concert na rin naman si Rico bago ang pandemic diyan sa Big Dome at napuno niya talaga iyon. Kaya wala kaming duda na ang proyektong iyan ng KDR Music ay magiging isang malaking hit.

Ang isa pang plus factor, KDR Music nga ang kanyang producer, kaya bukod sa kakabit sa promo niyon ang Wish 107.5, na kinikilalang isang malakas na estasyon sa FM, hindi maikakaila na may captive market iyang KDR na nakasuporta sa lahat ng kanilang proyekto.

May mga guest artist din si Rico sa kanyang concert, pero hindi pa niya sinabing lahat dahil naniniwala siyang ang announcement niyon ay dapat magmula sa KDR.

Iyang KDR ay nagsisimula nang makilala bilang isang malaking concert producer, isipin ninyong sa susunod na buwan, bukod sa major concert ni Rico, may concert din sila ng The Juans sa Araneta rin iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …