Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovely Bravo Ang Katiwala Juanetworx

Lovely Bravo, challenging ang role sa Ang Katiwala ng Juanetworx

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG 19 year old na si Lovely Bravo ay isa sa tampok sa pelikulang Ang Katiwala na very soon ay mapapanood na sa Juanetworx.

Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan at pinangungunahan din ito nina Ronnie Lazaro, Francis Grey, Gio Ramos, at Simon Ibarra.

Ang newbie actress na si Lovely ay under ng Dragon Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.

Nagkuwento siya tungkol sa kanilang pelikula.

Wika ni Lovely, “Ang role ko rito ay si Ellen, ang ganda ng kuwento ng Ang Katiwala, ang daming plot twist. Very challenging din ang role ko rito dahil ito po ang una kong movie.”

Pagpapatuloy ng aktres, “Si Ellen kasi ay isang probinsiyana na magpapanggap na anak ng katiwala at doon niya makikilala si Benny. Si Francis Grey po ang gaganap na Benny, siya ang lalaking makikilala ni Ellen at magugustohan niya.”

Esplika niya, “Ang ‘Ang Katiwala’ po ay sexy-drama-thriller. Mayroon din pong action dahil may mga patayan na magaganap sa movie na ito.”

Kailan ito ipalalabas? “Wala pa pong date kung kailan ito maipapalabas, pero sana ay abangan n’yo po Ang Katiwala soon… sa Juanetworx,” matipid na sambit ni Lovely.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …