Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edith Fider Juanetworx Fr Suarez

Edith Fider, ginabayan ng yumaong Healing Priest na si Fr. Suarez para sa Juanetworx

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang movie producer na si Ms. Edith Fider ng Juanetworx na pakiramdam niya’y ginagabayan sila ng The Healing Priest na si Fr. Suarez, na ang life story ay isinapelikula ng kanyang movie company.

Pahayag ni Ms. Edith. “Happy kami dahil as I’ve said earlier, ang pakiramdam ko ngayon nagbabalik-tanaw ako sa aming pinagmulan. Ang mga matatalik kong kaibigan, sina Joven Tan at Gregorio Serrano, nag-umpisa kami ng isang maliit na produksiyon sa tulong at gabay ni Fr. Fernando Suarez.

“Mula sa aming humble beginnings ay geto kami ngayon, naglakas ng loob para magbukas ng isang digital network, ang Juanetworx. Mula po noong ginabayan kami ni Fr. Suarez, lahat po ng mga prophecies niya sa amin, nagkatotoo.

“Na-meet namin, nakasalamuha namin ang mga tamang tao para dalhin dito. Nakaagapay namin, nakasama namin lahat ng mga tamang nilalang at tamang mga experts para mabuo ang isang network para sa Pilipinas.”

Aniya pa, “Ngayon lang magkakaroon ng isang entertainment hub na may kasamang helpline. Ang ibibigay namin sa mga tao ay hindi lamang kaligayahan, hindi lamang entertainment, kung hindi proteksiyon para sa bawa’t isa, lalo na yung wala rito sa bansa.”

Si Ms. Edith ng Saranggola Media ang isa sa prime movers ng Juanetworx, ang bagong streaming app na sa halagang P100 membership fee ay magkakaroon ka na ng access sa lahat ng kanilang content.

Ang ilan sa contents nito ang untold stories ni Fr. Suarez na iho-host ni Boy Abunda, The Rey Valera Story: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, at mapapanood din si Doc Willie Ong sa Ang Inyong Lingkod.

Kabilang din dito ang Mga Kuwento Sa Dilim na si Aljur Abrenica ang bida at sa Colonel na life story ni Lt. Col. Jhun Ibay, Jr., isa sa mga nasa likod ng Juanetworx.  Nandito rin si i Chef Sheilla sa cooking show na The Soulful Kitchen Diva, at ang The Sari-Sari Store hosted by Bernie Batin. Hindi dapat palagpasin ang Erotixa nina Christian Bables at Ali Forbes at ang aktres din ang bida sa Ang Huling Burlesk Queen.

Bukod sa mga pelikula at documetary, magpapalabas din ang Juanetworx ng mga concert at K-drama at tiniyak ni Ms. Edith na marami pa silang kaabang-abang na pasabog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …