Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marion Aunor Darryl Yap Maid In Malacañang

Marion Aunor, grateful sa partisipasyon sa pelikulang Maid in Malacañang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING nagpakita ng talento ang award-winning singer-songwriter na si Marion Aunor nang kinanta niya ang theme song ng pelikulang Maid In Malacañang at gawin ang musical scoring ng nasabing movie na palabas na sa August 3, nationwide.

Ka-collab ni Marion dito ang equally talented niyang younger sis na si Ashley Aunor.

Kuwento sa amin ni Marion, “Traydor na Pag-ibig po ‘yung theme song na kinanta ko for the presscon of Maid in Malacanang. Nosi Balasi naman po ipinakanta sa akin ni Direk Darryl (Yap) for the trailer and maririnig din po ito sa actual movie.

“Direk Darryl called me up and asked me to write and perform a song para sa specific na eksena sa movie. Isinulat ko po ‘yung song about choosing to love even if it hurts or brings you heartache… na parang binabalik-balikan mo pa rin.”

Pagpapatuloy ng panganay ni Ms. Lala Aunor, “Ako po ang nagsulat and si Ashley po ang nag-areglo. Tandem po kami rito with our music production duo – Aunorable Productions.

“Kami rin po ang gumawa ng music scoring ng trailer and ng buong movie. First time po namin, so grateful kami sa opportunities na ibinibigay ni Direk Darryl and ng Viva sa amin.”

Ano ang instructions ni Direk Darryl sa mga song na ginawa at kinanta niya para sa pelikulang ito?

“Idinescribe niya lang sa akin ‘yung scene na paglalagyan ng song and kung ano ‘yung dapat na message ng kanta, pati na rin ‘yung over-all na sound na gusto niya. Then we work from there.”

Ano ang reaction niya nang napanood ang trailer ng movie?

“Na-excite kami ni Ashley, kasi ang ganda lumabas ng music na ginawa namin for the trailer and marami na po ang naghahanap ng version ko ng Nosi Balasi na ginamit sa trailer,” pakli ni Marion.

Paano niya ide-describe ang closeness ba tawag doon, nila ni Direk Darryl?

Esplika ni Marion, “Naging close kami ni Direk Darryl sa Revirginized (top billed by Sharon Cuneta) when he cast me sa movie niya and also asked me to write one of the songs for the same movie – ‘yung “Maganda Kahit Matanda.”

“Siguro nagustohan niya lang ‘yung mga songs na isinusulat ko and iprino-produce namin ni Ash (Ashley) for his movies. Nag-swak lang siguro ‘yung taste namin sa music, hahaha!”

Inusisa rin namin siya kung sa movie ba ni Sharon sila unang nagkakilala ni Direk Darryl.

Aniya, “Yes. But I first heard of him noong ginamit niya ‘yung songs ko sa YouTube series nila sa Vincentiments called “Sakristan.” I think ginamit niyang theme song doon ‘yung “Delikado” and ginamit rin ‘yung “Akala” and “Mahal Kita Ngayon.”

Bukod sa paggawa at pagkanta ng theme song sa mga pelikula ng Viva at Vivamax, si Marion ay lumalabas din dito bilang aktres. Ano ang last movie na ginawa niya kay Direk Darryl bilang aktres?

“Iyong last film siguro ay ang Sarap Mong Patayin. I sang and wrote the theme song, then actress din ako rito.”

Hinggil naman sa next project niya sa Vivamax or kay Direk Darryl, ano ito?

“Hopefully matuloy iyong plans. Too soon to say pa po,” nakangiting sambit ni Marion.

Bibida sa Maid In Malacañang ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr., at First Lady Imelda Marcos.

Tampok din ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak – sina Imee, Bongbong, at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …