Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano south korea

Anyare sa Hollywood?
LIZA MAY SURPRISE ROLE SA SK SERIES

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY gagawin daw na isang “surprise role” si Liza Soberano para sa isang South Korean series. Basta sa mga press release sinabing surprise role, ibig sabihin niyon “cameo role” lamang. Maaaring dinaanan lang siya ng camera kagaya niyong kay Kris Aquino noon sa isang pelikula tungkol sa mga Asian. Maaaring ni wala iyong speaking lines. Usually ginagawa iyan para lang masabi nila kung ano ang hitsura ng personalidad sa screen. Kumbaga noong araw, ang tawag diyan ay screen test. May mga tao kasing maganda sa personal, pero kung nasa flat screen na kagaya ng pelikula o telebisyon, iba na ang dating.

Ibig sabihin niyan possible ngang maipasok si Liza sa mga palabas sa South Korea. Pero teka muna, bakit sa South Korea, ang akala ko ba isang career sa Hollywood ang target niya at iyon naman ang inaayos ng kanyang manager na si James Reid?

Bakit ngayon Korea naman, tapos may nagsasabi pang may gagawin siyang pelikula na ang katambal ay si James lang din mismo? Ano bang klaseng Hollywood career iyan? Kung sino-sino ang sinasabing nakaharap nila sa US, nakapunta pa sila sa kung saan-saang red carpet events, bakit ngayon Korea ang bagsak, or worst isa lang pelikula na kasama si James?

Kung sila lang ni James ang magtatambal, ano nga ba ang mangyayari? Bagsak na ang popularidad ni James. Bago pa ang pandemya wala na siyang pelikula. Wala rin naman siyang naging hit na kanta.

Iyan namang si Liza, masyadong identified bilang syota ni Enrique Gil. Mahirap na basta burahin iyon sa isipan ng fans. Malamang iyan bumalibag pa sila pareho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …