Saturday , November 23 2024
Maid in Malacanang

Iba ang Cesar Montano, napakahusay! – Direk Darryl

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap na sobra siyang pinabilib ni Cesar Montano sa napakahusay na performance nito sa pelikulang Maid in Malacanang, na palabas na sa mga sinehan sa August 3, nationwide.

Ito ang ipinahayag ni direk Darryl kay Anthony Taberna sa online show niyang Tune in Kay Tunying.

Wika niya, “Trivia lang din, never akong nag-cut, director din kasi si Sir Buboy, eh. Ako kapag isinu-shoot ko na siya, mayroon kasi itong apat na memorable dialogue eh, Imee and FEM (Ferdinand E. Marcos), Bongbong and FEM, and then Irene and FEM…

“Sa lahat ng eksena ni Cesar Montano, lahat iyon ay one take, at hindi ako sumisigaw ng cut. Ang cut ko ay palakpak na, Ka Tunying, promise, promise… Iba talaga, mahusay talaga (si Cesar).”

Esplika pa ni Direk Darryl, “Sabi ko nga sa kanila, kapag Cesar Montano talaga- dahil ako ay laking teatro, I want it to be well rehearsed before I shoot it, so that I can only shoot it once. Si direk Buboy, talagang ito lang, talagang one take, hindi ako nagsayang ng koryente kay Cesar Montano.

“Talagang ang galing… Iba, iba ang Cesar Montano, napakahusay, napakahusay niya rito sa pelikulang ito,” seryosong wika pa ni Direk Darryl.

Mapapanood na ang Maid in Malacañang sa maraming sinehan simula ngayong August 3. Produced by VIVA Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ito ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Panahon na para ang mga Marcos naman ang magkuwento ng totoong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa palasyo, kuwentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat.

May ipakikilalang mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Filipino, na may close family ties ang pamilya Marcos.

Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Tampok din ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak- sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …