Friday , November 15 2024

Anak na babae kritikal
BASILAN EX-MAYOR, BODYGUARD, SEKYU PATAY SA ‘PLANADONG’ PAMAMARIL NG DOKTOR

072522 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

NAHALINHAN ng takot ang saya at pananabik ng mga magulang at magtatapos na abogado ilang oras bago ang graduation rites sa Ateneo College of Law, nang makarinig ng sunod-sunod na putok sa gate ng unibersidad sa Katipunan Ave., Quezon City, kahapon ng hapon.

               Patay ang dating alkalde ng Basilan na kinilalang si Rose Furigay, ang kanyang bodyguard na si Victor Booc Capistrano, at ang security guard ng Ateneo de Manila University (ADMU) na si Jenevin Bandiala, sa naganap na pamamaril bago magsimula ang graduation ceremony ng College of Law, kahapon, Linggo ng hapon.

               Kinilala ang suspek na si Chao Tiao Yumol, 38 anyos, doktor, tubong Lamitan, sinabing nahaharap sa 76 kaso ng cyberlibel na inihain laban sa kanya ng mag-asawang Furigay.

               Ito ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit hininalang plinano ni Yumol ang pagpaslang sa dating alkalde.

               Batay sa mensahe ni Ateneo Vice President (VP) for Admin Rudy Ang: “Three confirmed deaths, mayor of Basilan, her body guard, and one of the Ateneo security guards at Gate 3, who tried to stop the shooter. Mayor’s daughter, who was one of the graduates, is in the hospital in critical condition. Shooter has been captured.”

               Sa panayam ng HATAW sa isang magulang, labis ang pasasalamat nila sa Panginoon dahil ligtas sila, ngunit talagang nakakikilabot ang pangyayari dahil inakala nilang mass killing.   

Aniya, “We’re safe now and out of Ateneo. God is so good. But it was really terrifying. I thought it’s a mass killing. We witnessed everything. But we were able to run, hide and eventually rescued. God is so good!!!!”

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon CIty Police District (CIDU-QCPD), pasado 2:55 pm, kahapon, 24 Hulyo, nang maganap ang insidente sa ADMU Gate 3 bago ang graduation rites ng Ateneo law school.

Sa inisyal na ulat kay QCPD Director P/BGen. Remus Medina, ang gunman ay umakyat sa pader ng Varsity Hills Subdivision sa harapan ng barangay hall ng Barangay Loyola Heights saka tumakbo sa gate ng village at sumakay sa getaway vehicle pero nakorner ng mga awtoridad sa ng Esteban Abada St., sa Aurora Blvd.

Ayon kay Atty. Brian Hosaka, tagapagsalita ng Supreme Court (SC), ligtas si Chief Justice Gesmundo na guest speaker sa Ateneo Law School Graduation ceremony dahil papunta pa lamang nang maganap ang pamamaril.

Sa twitter post ng Guidon, ang official student publication ng ADMU, dahil sa pamamaril ay ini-lockdown ang campus, walang pinalabas, at ipinatupad ang shelter-in-place protocols sa paaralan.

Pansamantalang kinansela ang graduation rites na sisimulan dapat dakong 4:00 pm.

Isinusulat ang balitang ito’y patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

***

PAGPATAY SA EX-MAYOR
NG LAMITAN, KINONDENA

KINONDENA ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagpatay kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay kahapon.

“We condemn in the strongest terms possible the fatal shooting of former Lamitan City Mayor Rose Furigay and that of her bodyguard and a security personnel in the Ateneo de Manila University,” ayon kay Hataman.

Ang anak na babae ng dating mayora ay nasugatan sa pamamaril na gawa ng nahuling suspek.

Ang krimen ay nangyari sa loob ng unibersidad ng Ateneo sa araw ng pagtatapos ng mga mag-aabogado, ang anak ni Mayor Rose ay kabilang sa mga graduates.

“Kaya mas lalong nakalulungkot ang nangyari kay Mayor Rose, isang magulang na buong kagalakang dumadalo sa pagtatapos ng kanyang anak, na isa sanang masayang kaganapan pero sinira ng walang saysay na karahasan,” ani Hataman.

“I urge the authorities to prosecute the perpetrator of this dastardly crime to the full extent of the law,” aniya.

Ani Hataman, maraming nagawa si Mayor Rose para sa Lamitan dahil sa kanyang progresibong liderato dahilan upang magawaran ang lungsod ng Seal of Good Local Governance mula 2016 hanggang 2019.

Ipinanalangin ng kongresista ang mabilis na paggaling ng anak ng mayora sabay ang panawagan na mabigyan ng hustisya ang pamilya. (GERRY BALDO)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …