Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Tutok To Win

Willie tunay na target sa pagsasanib ng Showtime-LOL

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI ininda ng Eat Bulaga ang merger ng LOL at Showtime, na siguro ang katuwiran nila, bakit nga ba nila iindahin iyon eh hindi naman umabot sa ratings nila. Totoo na dahil nadagdag nga ang TV5 sa kanilang outlet, may mas makakapanood ng Showtime kaysa iyong sa Zoe TV lang sila palabas bukod nga sa cable at internet, pero hindi rin naging significant iyon. Siguro ang nanood sa TV5 ay iyong mas malinaw sa kanila ang estasyon kaysa Zoe TV. Iyong simultaneous showing sa TV5 at sa Zoe TV, hindi nangangahulugang dumami ang audience, dahil nahahati rin sa dalawa. Mamimili lang naman sila ng isa sa dalawa eh.

Iyang pagsasanib na iyan, gaya nga ng nasabi na namin, hindi naman nila talaga target ang Eat Bulaga. Palagay namin mas pinaghahandaan nila ang pasok ni Willie Revillame sa noontime slot sa pagbubukas ng AMBS. Kung matatandaan ninyo, si Willie lang naman, noong nasa ABS-CBN pa siya, ang nakadikit sa ratings ng Eat Bulaga.Kung hindi lang nagkaroon ng malaking aksidente sa show ni Willie, eh baka mas malaki iyon.

Ngayon sinasabing noontime slot ang papasukin ni Willie. Aba magpaulan lang iyan ng premyo, at mamigay na naman ng lupa at bahay sa Camella, tiyak na papalo ang ratings niyan, at siya na naman ang makatatapat sa Eat Bulaga.

Hindi pinansin ng Eat Bulaga ang lipat ng Showtime, pero tiyak iyan may inihahanda rin silang panlaban sa pagbabalik ni Willie sa noontime slot. Baka pabalikin na rin nila sa studio sina Vic Sotto at Joey de Leon dahil kung iyong mga naiiwan lang doon, medyo matabang ang show.

Ok lang na kalaban nila si Vice Ganda, pero kung ang katapat ay si Willie na, at milyon-milyon ang papremyo, kailangan na nila ng mas malakas na suporta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …