ni Ed de Leon
DAHIL sa mahal na renta sa condo na kanyang tinitirahan kasama ang kanyang pamilya, at ilan pang bayarin, tinapangan na ng isang male indie actor ang kanyang loob. Tinawagan niya ang isang bading na alam niyang may kursunada sa kanya at sinabi ang kanyang problema. Hindi pa niya diretsahang sinabi sa bading na kung ibibigay ang perang kailangan niya ay payag na siyang makipag-date. Deadma naman ang reaksiyon ng bading.
“Malaki ang kailangan niyang pera at hindi ko naman siya babayaran nang ganoon kalaki para sa isang date, lalo’t alam ko nang wala naman pala siyang ‘maipagmamalaki’ talaga,” sabi ng bading.