Friday , November 15 2024

Beverly Salviejo, saludo sa husay ni Direk Darryl Yap

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Beverly Salviejo na handa siyang ma-bash, nang maging bahagi siya ng pelikulang Maid In Malacañang na mapapanood na sa mga sinehan simula August 3, nationwide.

Wika niya, “Ang mapasama ka sa isang project na ganito na hinuhusgahan nang maraming nasa kabilang parlor na history revisionism, opens the members of the cast to a lot of bashing.

“We are touted as bobo, walang alam sa history, bayaran at walang prinsipyo. Contrary to their accusations, matatalino po ang lahat ng kasama sa proyektong ito (kasama ako siyempre roon), ginamit namin ang aming tapang, lakas ng loob para tumulong na ihayag ang mga katotohanang mayroon kaming personal knowledge, dahil inabot namin ang era.”

Pagpapatuloy na esplika pa ni Ms. Beverly,”Alam namin ang goings-on noon dahil buhay na kami, in my case, bata pa ako ay aware na ako politically dahil ang tatay ko ay laging kasama sa campaign ni FM noong 1965. Active po ako noon sa Kabataang Barangay, sa barangay namin, sa Metropolitan Theater na ipina-renovate ni Madam Imelda, kumakanta kami sa mga events ni madam at ng tourism, aware ako sa dahilan at circumstances ng pagsasara ng MET noong 90’s.

“Ang bashing ay hindi na bago sa akin, mula pa nang kumandidato si PRRD, naibato na sa akin ang lahat nang masasakit na paratang at salita, naging biktima na rin ng cancel culture. Hanggang ngayon, lalo na noong hayagan akong lumabas na sumusuporta kay PBBM, pati tirada sa pisikal kong anyo ay naranasan ko na.

“Sa paglabas ng pelikulang ito, nag-intensify lalo ang ad hominem, ang name-calling, ang sobrang hate…. ok lang sa akin, wala akong pakialam, I think of this as a fight for what I know is good and true.”

Pahabol pa niya, “Bayaran daw? Sa pelikulang ito, siyempre may bayad kami dahil iyan talaga ang hanapbuhay namin. Magpapaka-ipokrito ba kami para sabihing we did this for free? Pero pumayag ako/kami na maging parte nito nang may kasamang prinsipyo dahil naniniwala ako na ito ay makabuluhang proyekto para mailabas ang katotohanang matagal sinikil ng kabilang panig.”

Ang pelikula ay mula sa direksiyon at panulat ni Direk Darryl Yap, ang direktor sa likod ng Vincentiments at ibang Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, Gluta at Ang Babaeng Walang Pakiramdam at ang blockbuster hit na Jowable.

Bibida rito sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Bida rin ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak- sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada at Elizabeth Oropesa.

Ayon pa sa kanya, sa Maid In Malacañang ay gumaganap siya bilang si Yaya Biday, ang Ilocanang kumakanta at marites na maid sa palasyo

Sa presscon nito sa Manila Hotel, nabanggit ni Direk Darryl, na nasa isip na niya talaga si Beverly.

Kuwento ni Ms. Beverly, “Nag-pm ako sa kanya, nagpakilala, nag-apply… kako, direk, you may not know me but I am this and I have done these with Viva etcetera… you might need somebody like me in your movie Maid in Malacañang. He replied, ‘Yes I know you and i’ve known your work since before, i even wrote a character in my play that I named beverly becoz of you. Naunahan mo lang kami, I was actually thinking of casting you if you agree.’”

Pinuri niya rin ang mga kasama sa pelikulang ito, pati na ang kanilang direktor.

Aniya, “Ang huhusay ng mga kasama ko sa pelikula, nanliliit ako kapag napapanood ko sila sa eksena, ang huhusay talaga!

“Iyong trailer, powerful, intruiging… our director, Darryl Yap, I surmise, is a genius, matapang eloquent, and for a young person like he is, he knows his craft like the back of his hand. Iyong non-believers at yung mga threatened, they hate him because of how he is, he does not care ‘coz they can’t take away his brain, ang talino, mautak.”

Produced by VIVA Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ang Maid In Malacañang ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Tuklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.” Panahon na para ang mga Marcos naman ang magkuwento ng totoong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa palasyo, kuwentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat.

May ipakikilala ring mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Pilipino, na may close family ties ang pamilya Marcos.

Ang kuwento ng Maid In Malacañang ay walang gustong baguhin sa kasaysayan, ibabahagi lang nito ang buong katotohanan.

About Nonie Nicasio

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …