Sunday , December 22 2024
Red Velvet BGYO Bini  Lady Pipay

Red Velvet, BINI, BGYO,  at Lady Pipay, tampok sa concert na Be You! The World Will Adjust

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DAPAT suportahan ang espesyal na advocacy concert na Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa 22 Hulyo (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo ng Purpose International Training Institute Inc., at hangaring i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs.

Gumagawa at nagbibigay ang In Purpose International Training Institute Inc., ng mga tutorial trainings na nakasentro sa mga programa para sa skill development at special education para sa mga taong mayroong special needs.

Sa pamamagitan ng kanilang tagline na #YesToInclusion, layunin ng event na ito na ipagdiwang ang diversity, individuality, at kalayaan ng self-expression lalo sa mga taong may special needs.

Nais ng event na lumikha ng isang bukas at ligtas na espasyo para ma-express ng lahat ang kanilang mga sarili at ipagdiwang ang buhay, lalong-lalo sa gitna ng mahirap na buhay dulot ng pandemya.

Sa ilalim ng direksiyon ni Alex Magbanua, bida sa concert na ito na talaga namang isang spectacular show, ang mga powerhouse artists na gaya ng Korean all-girl pop group na Red Velvet, kasama ang mga homegrown Pinoy artists gaya ng BGYO, Bini, Aeron Mendoza, at Lady Pipay.

Ipakikita rin sa concert ang mga inspiring testimonials na nag-aangat sa mga eksperyensiya ng mga taong may special needs.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …