Sunday , December 22 2024
Cloe Barreto

Cloe Barreto agaw-eksena 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HININGAN kami ng honest opinion ng producer ng 3:16 Media Network sa pinanood naming Tahan na bida ang kanilang alagang si Cloe Barreto.

Ang sabi ko kay Nanay Len Carillo, “Malayo talaga ang mararating ni Cloe sa husay ng akting niya rito. Sumunod talaga siya sa advice sa kanya ni Ms. JACLYN! Her best!!!

Nanggugulat ang pelikula. At mahusay na pinagtulungan ito nina Quinn at Direk Bobbi.

“Kung malayo pa ang mararating ni Cloe sa acting, gayundin ang nakikita ko sa pagsusulat nang may malikot na isip na si Quinn.

“Congrats!!! Like I said, you nailed it!”

Tinapatan nga ni Cloe ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose sa hiningi sa kanya ni direk Bobbi Bonifacio sa papel niya bilang si Elise na isang disturbed personality (na sa bandang hulihan na ng pelikula matutuklasan).

Gruesome ang karamihan sa eksena ni Cloe. At sa pakiwari raw niya, nagawa niya ang gustong-gustong napapanood sa mga horror flicks na may karakter ni Chucky.

Sa presscon after ng screening, napaiyak si Cloe nang matanong sa relasyon sa kanyang ina sa tunay na buhay. Nagiging emosyonal nga raw siya kapag tungkol sa ina ang pinag-uusapan. At naibulalas niya na dahil din ito sa tumatayong ina niya ngayon, ang kanyang Inay Len. Na kahit nga raw mawala at lumitaw siya ay pinatatawad pa rin siya sa kanyang mga pagkukulang. Mukhang malalim ang hugot na ‘yun na hindi na idinetalye pa ni Cloe.

Unang eksena pa lang, umagaw na ng eksena ang halos pumuno sa screen na malusog na dibdib ng premyado ring aktres na si Mercedes Cabral na ka-lovescene ni Cloe.

At makikitang wala na ngang inhibisyon si Cloe sa mga kinailangang gawing maseselang eksena.

Nabitin lang ang mga  nanood dahil isa pala sa hinihintay eh, ang paghuhubad ni JC Santos. Pero hindi naman makalilimutan ang highlight ng eksena ng karakter nito sa buhay ni Elise.

Maski na ang mga suporta na kinuha ng partner ng 3:16 Media Network at Mentorque ni Bryan Dy sa Vivamaxna mga aktor ay ‘di matatawaran. Ang kinakalinga na ng 3:16 na si Mark Cardona, ang ‘singhusay ng mga kapatid na si Karl Medina, ang nakilala sa pagpapaseksi sa mga indie film niya na si AJ Oteyza at higit sa lahat, ang gumawa ng kuwento ng Tahan mula sa malikot na isip na si Quinn Carillo, bilang bestfriendni Elise.

Pegged as a mother-daughter story, kahit ang co-producer sa Mentorque na si Bryan ay inihahandog ito sa kanyng inang nanood ng pelikula.

Dati, noong bata ako lagi ako hila-hila ng nanay ko sa sinehan para manood ng pelikula ‘yung para may makasama siya ‘yung back to back na palabas noon sa probinsiya.

“Today, we watched a movie together that I produced. Iba ‘yung pakiramdam.

“Maraming salamat po sa biyaya at oportunidad na ito. 

Maraming salamat sa lahat ng nasa likod ng pelikulang ito kilala niyo na po kung sino-sino kayo. Isang napakagandang obra na pupukaw sa damdamin at maglalaro sa imahinasyon ng mga manonood. To Nay Len Ollirrac, Direk Bobby, to Quinn Carrillo, sa napakahusay na cast na pinangungunahan nina: Cloe Barreto, Jaclyn Jose, JC Santos at sa Pelikula Independent sa pangunguna ni Direk Ring Santos-Perez. Maraming maraming salamat po!

Maraming salamat sa lahat ng kaibigan naming press at social media bloggers sa ‘pag appreciate sa pelikula,” ani Bryan.

Streming na ito sa Vivamax sa July 22, 2022.

About Pilar Mateo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …