Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tahan Movie cast

Bryan Dy, proud sa pelikulang Tahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SPEAKING of Tahan, ang isa sa producers nito na si Bryan Dy ay ipinahayag ang kagalakan sa kinalabasan ng kanilang pelikula at partnership ni Ms. Len Carrillo.

Esplika ni Bryan sa Q & A after ng private screening ng pelikula, “This is actually my first film, as a producer, it’s also a challenge, alam naman siguro natin lahat na ngayon, there’s thousands of contents going out… So, one thing talaga, nang ikinuwento ni Nay Len sa akin itong story and nang nai-present sa akin ni Quinn yung script, iyon ang nakikita ko na commercially viable and isang bagay na I think na mailalaban namin at mabibigyang pansin, na pupukaw din sa imahinasyon ng mga manonood.”

Pagpapatuloy pa niya, “At the very least, our first film ay mukhang successful, that’s why I would like to congratulate direk Bobby and lahat ng casts.

“This will actually inspire me to create more films, so maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Thank you sa Viva for taking the film, siyempre giving us also an opportunity as producers, na nabibigyan kami ng ganitong pagkakataon sa ganitong platforms.”

Nang aming makapanayam, sinabi ni Sir Bryan na proud at na-inspre siya sa Tahan para gumawa pa ng more quality films.

Aniya, “So proud of it and more inspired… talagang it wasn’t easy. Una, natuwa ako because kahit paano, with a working budget, we were able to pull something na ganoon. And that inspires me to really do more, produce more films, more quality films.”

Mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr. ang Tahan ay mapapanood sa Vivamax simula July 22, 2022. Ang executive producers nito ay sina Ms. Len Carrillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions.

Tampok dito sina Cloe Barreto, Jaclyn Jose, JC Santos, Quinn Carillo na siya ring sumulat ng script, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …