Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darna Vilma Santos Angel Locsin Marian Rivera Rosa del Rosario

Angel pinaka-seksing Darna 
Vilma pinakasikat at maraming nagawa

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG kailan naman nagsisimula ang ABS-CBN na magpalabas ng trailer at iba pa nilang pra lala para sa kanilang Darna at saka naman may naglalabas ng pictures ni Marian Rivera na nakasuot din ng Darna costume na sinasabi nilang siyang “pinaka-seksing Darna.” Sinalo kasi ni Marian ang role na iyan matapos na gawin ni Angel Locsin noon na nakalipat agad sa ABS-CBN bago masimulan ang kasunod sanang serye.

Pero may isang kritiko mula sa isang broadsheet na hindi pinalampas iyon, at sinabing ang pinaka-seksi na naging Darna ay si Angel Locsin. Payag naman kami roon, dahil noong mag-Darna si Angel, bukod sa mas bata, ang tindi ng katawan niya noon. Parang si Angelina Jolie sa Lara Croft. Sexy talaga. Noon nga sinasabing dapat gumawa si Angel ng pelikulang parang Tomb Raiders eh.

Iyon ang panahong matindi ang ganda ni Angel. Siya ang pinaka-magandang artista noong panahong iyon. Kaya nga lang nagpabaya at tumabang mala-Dabiana at hindi na nakabawi.

Pero dagdagan pa natin ang trivia, ang pinakasikat na naging Darna, at nakagawa ng pinaka-maraming Darnamovies na lahat ay naging hit ay si Vilma Santos. Nakagawa siya ng apat na Darna movies nang sunod-sunod at lahat iyon ay naging malalaking hits. Dahil doon sinasabi nga maging ng mga kritiko na si Vilma ang lalong nagpatibay ng character sa pelikula. Maging ang orihinal na sumulat ng Darna na si Uncle Mars, naging favorite Darna niya si Ate Vi, maliban siyempre kay Rosa del Rosario na siyang unang-unang gumanap na Darna. Bukod kay Darna, ginawa rin ni Ate Vi ang isa pang legendary character ni Uncle Mars, si Dyesebel. May mga artistang gumawa ng Darna, pero hindi nagawa si Dyesebel. May gumawa ng Dyesebel pero hindi nakagawa ng Darna. Si Ate Vi, nagawa niya pareho iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …