MANILA, Philippines – Kinumpleto ng reigning NCAA Most Valuable Player Rhenz Abando ang roster ng Gilas Pilipinas para sa 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia.
Para kay Abando, hindi niya itinuturing na panakip-butas lang siya sa pagkawala ni Dwight Ramos dahil sa injury dahil naniniwala siya sa kanyang kakayahan na malaki ang maitutulong niya sa Gilas sa magiging kampanya ng team para sa FIBA Asia Cup.
Inaprubahan sa technical committee meeting nung Lunes ng gabi ang pagsali ni Abando sa line-up ng Gilas dahil na-injured si Ramos, ayon kay Gilas Pilipinas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy executive director Butch Antonio.
Dahil sa pagpasok ni Abando sa Team Philipines ay nakumpleto na ang 12-man roster para sa kanilang kampanya sa FIBA Asia.
Makakasama niya sa team ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, Ray Parks, Poy Erram, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, Will Navarro, Kevin Quiambao, Francis Lopez at Geo Chiu.