TODO ang pagpapasarap sa buhay ni Floyd Mayweather Jr, isa sa pinakagaling na boksingero sa kasaysayan ng boksing, nang bumili ito ng isang ‘private jet’ na nagkakahalaga ng $50M.
Matatandaan na kamakailan lang ay bumili ng isa pang Rolls-Royce Cullinan ang pinakamayamang boksingero sa mundo gayong meron na siyang isa.
Si Mayweather, 45, na tinaguriang ‘Money’ at tinatayang may $625 million network ay mahilig mag-travel na may istilo kaya tinitiyak niya na magarbo ang kanyang gamit na sasakyan. Ang madalas na destinasyon ni Floyd ay ang Monte Cristo, Hong Kong, Bali, Fiji at Tokyo at iba pa.
Ang Gulfstream G650 jet na tinaguriang Air Mayweather ay merong matitinding ‘interior features’ katulad ng mamahaling leather seats at may magarbong kama para siya makapagpahinga habang minamasahe ng masahista.
Meron din ang jet na in-built entertainment system para hindi siya mainip sa biyahe.
Taglay din ng Air Mayweather ang satellite phone na bihira sa isang luxurious private planes. Nagagamit niya iyon habang tumatahak ang kanyang jet sa paroroonan.
Sa labas ng jet ay may naka-print sa gilid nun na letrang TBE na nangangahulugan ng ‘The Best Ever.’
Nagretiro sa boksing si Mayweather na may may perfect 50-0 record nung 2017 pagkaraang talunin niya si UFC superstar Conor McGregor.
Pagkaraan ng kanyang professional fight sa ring ay puro exhibition bout na lang ang kanyang hinarap para lalong kumita ng limpak-limpak na salapi.