ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AFTER ng ilang taon ay naipalabas na ang pelikulang The Expat na tinatampukan nina Lovely Abella, Lev Gorn, Mon confiado, Lara Morena, at mula sa pamamahala ni Greg Segal
Sa kanyang FB ay nabasa namin ang mahabang post ni Ms. Lovely: This is my 1st International Movie 4 years ago pa po namin to shinoot ang “The Expat” last sunday napanood ko siya at grabe ang kaba ko. Kasi hindi ako magaling sa ENGLISH at yun ang totoo nahirapan ako basahin ang script, umiiyak ako kay Benj Manalo na di ko na tatanggapin kahit LEAD ROLE ako pero sabi niya Babe kaya mo yan, maniwala ka sa sarili mo at Dumating pa sa punto na kinausap ko si Jerald Napoles at ang sabi niya sakin Ga tanggapin mo kasi kaya ka nakuha diyan dahil nakita nilang kaya mo. May mga tao talagang mas mag pupush sayo na gawin ang mga bagay na akala mo hindi mo kaya. Heto na pinanood ko na nung pinapanood ko alam kung hirap ako sa lines. Pero after ng movie may mga nagsasabi na ang Galing mo, sa isip ko totoo ba pero sumakto sa character ko yung totoong ako, sabi ko di ko na kailangan mag panggap na magaling ako dahil hindi talaga at di ko makalimutan ang Araw na to, heto ang araw na wala akong ginawa kundi magdasal kada eksena na masabi ko ang Lines ko. Alam ko si LORD ang kasama ko ng mga oras na to, kaya naging magaling ako sa ibang mata ng mga nanood. Lord maraming salamat po dito. Napakagandang blessing na may International Movie ako at napapanood sa USA. Thank you sa aking mga co actor and kay direk na di ako pinabayaan
Sa pamamagitan ng FB ay kinapanayam namin ang aktres. Ano ang puwede niyang mai-share hinggil sa pelikulang The Expat? Ano ang role niya rito?
Tugon ni Ms. Lovely, “Ako po ang magiging GF ni Nick, ang lead actor, na nabayaran lang talaga para iset up siya, pero na-inlove na ako sa kanya. Thriller movie po ito, na pinapatay lahat ng mga nakakasama niyang girls.”
Saad pa ng aktres, “Pinapalabas na po siya ngayon sa US, tapos na sa Canada, at mayroon din sa iTunes.”
Kundi kami nagkakamali, prior to this movie, ang last na pelikula ni Lovely ay ang blockbuster na Hello, Love, Goodbye na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa ngayon, mas naka-focus si Lovely sa kanilang business ng husband niyang si Benj Manalo.
Esplika ng aktres, “Ngayon ay nagfo-focus talaga ako sa business, kasi dalawang company siya at ayaw kong basta-basta iwan lalo na kung lock-in tapings, pero guesting ay tumatanggap naman po ako.
“Yung two company ay ang Benlys online shop na nagbebenta kami ng mga luxury items, consign jewelries po. And nagpupunta kami ng Korea para mag-live sell ng brands nila roon, nagla-live sell na rin kami ng ibang brands like Zion And Seven Long Table Marketing Incorporated, cosmetics and food po, tapos ay mayroon kaming mga partner merchants.”