Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Biyahero ng ‘bato’, nakalawit

Nagawang maaresto ng pulisya ang isang pusakal na tulak ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Bulacan kamakalawa.

Mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) ang nagkasa ng buy-bust operation sa Brgy. Tigbe, Norzagaray, na nagresulta sa pagkaaresto ni Tirso Rebangus y Guevan alyas “Don-Don”, 41-anyos na residente ng Fatima V, San Jose del Monte City, Bulacan.

Nakumpiska kay alyas “Don-Don” ang tatlong piraso ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng crystalline substance ng pinaniniwalaang shabu, may timbang na 15 gramo at DDB value na Php165, 920.00, isang piraso ng selyadong plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang party drugs at isang Honda click motorcycle na walang plaka.

Ang suspek ay matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad sa malawakang pagbibiyahe nito ng shabu sa nasabing barangay at kanugnog-lugar.

Nakakulong na sa Norzagaray MPS Jail ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Art. 11 ng R.A. 9165 na isasampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …