Wednesday , August 20 2025
Ava Mendez

Ava Mendez, sunod-sunod ang projects sa Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HUMAHATAW ang showbiz career ng sexy actress na si Ava Mendez. Sunod-sunod ang projects niya ngayon sa Vivamax.

Bukod sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili na mapapanood na sa July 15, 2022 sa Vivamax, ang ilan pa sa projects ni Ava ay ang Purificacion, Do You Think I’m Sexy, at Itago Sa Dilim.

Gaano siya katapang pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula?

Esplika ni Ava, “When it comes to pa-sexy, wala naman akong limitations… depende po kasi minsan sa script and choreography ng direktor. Like example, kapag erotic scene, minsan kasi need doon ay raw. So kailangan na ma-execute siya nang tama at maging maganda ang cinematography niya.

“And good thing din na wala akong BF, para hindi ako mahirapan sa mga sexy scene.”

Tampok sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili sina Ayanna Misola, Diego Loyzaga, Adrian Alandy, Mon Confiado, Carlene Aguilar, Allan Paule, at iba pa, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Ano ang role niya rito at gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito? Saad ni Ava, “Katulad ng sinabi ni Direk Roman sa zoom presscon, less po ang sexy scene ko rito sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, kasi mas nag-focus kami sa acting.

“Ang role ko po sa movie ay si Olivia, ang dating kasambahay na namamasukan sa pamilya ni Albina (Ayanna).”

Ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ay unang kinabaliwan sa Hiwaga Komiks. Binigyang buhay ito sa pelikula ng premyadong aktres na si Dina Bonnevie noong 1989. Ngayong 2022, si Albina ay gagampanan ng Vivamax A-lister na si Ayanna, sa reimagining ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

Habang pinapangarap ni Albina na maging modelo, pinagnanasahan naman siya ng tatlong lalaki. Sa piling nila, mahahanap niya ang kakaibang ligaya. Ngunit bakit tila mawawala rin siya sa sarili?

Mapapanood na sa July 15 sa Vivamax!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Nadia tulay sa mga tulong na ibinibigay ni Robin

I-FLEXni Jun Nardo KONEK ni Senator Robin Padilla si Nadia Montenegro sa ilang media. Last 2024 Christmas eh may …

Aldub Maine Mendoza Alden Richards JoWaPao

Maine bakit kailangang isiwalat pagkagusto noon kay Alden? 

I-FLEXni Jun Nardo ANO kaya ang nagtulak para isiwalat ni Maine Mendoza ang pagkagusto niya noon kay Alden …

Mia Aquino

Mia Aquino, okay lang pagpantasyahan ng mga barako 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Mia Aquino ay nakagawa ng …

Janah Zaplan

Janah Zaplan, patuloy na hahataw bilang Star Pop artist 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGPASALAMAT ang talented na recording artist na si Janah Zaplan …

Innervoices

InnerVoices magpe-perform sa 37th Star Awards for TV

MATABILni John Fontanilla NAPAKAGANDA ng bagong awitin ng grupong InnerVoices, ang I Will Wait for you in …