AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
HINDI na nakapagtataka ang paghakot ng mga parangal ng pamahalaang Lungsod ng Quezon sa isinagawang 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMC) Summit kamakailan.
Nasabi natin na hindi na ito nakapagtataka dahil noon pa man ay madalas pinaparangalan ang pamahalaang lungsod – panahon pa ni dating House Speaker Sonny Belmonte na naging alkalde ng lungsod. Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit humakot ng limang parangal ang pamahalaang lungsod sa ilalim ng pamamahala ngayon ni Mayor Joy Belmonte. ‘Ika nga, mana-mana lang ang performance sa tatay.
Ang parangal ay iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI), at siyempre ay with humbleness and JOY nang tanggapin ni Mayor Joy ang limang parangal.
Pinarangalan lang naman ng DTI ang QC government sa pagiging 1st Place sa Most Competitive LGU sa Highly Urbanized City category.
Tulad nga ng nabanggit, limang parangal ang lahat – hayun naiuwi rin ng Alklade ang 2nd Place bilang Most Competitive sa Economic Dynamism, Government Efficiency and Infrastructure, at 3rd Place sa Resiliency mula sa DTI-Competitiveness. Tinanggap ni mayor Joy ang parangal kay DTI-Competitiveness Bureau Director Lilian Salonga sa ginawang conferment ceremony sa Quezon City Hall.
Sabi ng Alkalde sa kanyang acceptance speech… “that the award of Most Competitive LGU in the Highly Urbanized City category demonstrates that our collective effort to reboot the local economy is seeing positive results.”
Kung baga ang parangal ay patunay na may magandang bunga ang mga pagsusumikap ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod.
“The awards were proof that the policies and programs that we enacted yielded a positive effect in terms of growth and sustainability, despite the challenging global economic crisis,” dagdag ni Mayor Joy.
At heto rin ang nakatutuwa kay Mayor Joy, kanyang kinilala ang dugo’t pawis na ibinuwis ng mga departamento na malaki ang naitulong sa mga parangal.
“I would like to offer this award to the departments involved, their respective teams, and the rest of the Quezon City government,” pahayag ni Belmonte.
Dagdag ng Alkade, naging malaking hamon sa lahat ang pandemya sa CoVid-19.
“Despite the pandemic, our programs stood out when measured using the 4 pillars of economic dynamism, government efficiency, infrastructure, and resiliency. This is a win for all business owners in Quezon City. These include the move to automate and digitalize transactions with the city government for permits and tax payments, wage relief for MSE workers through Kalingang QC, and Pangkabuhayang QC, a livelihood training and capital assistance program’” pahayag ni Mayor Joy.
Nakatanggap din ang Quezon City government ng second straight unqualified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa annual audit report para sa taong 2021.
Iyan ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa ilalim ni Mayor Joy, na ang tanging prayoridad ay pag-asenso ng lungsod para sa kapakanan ng mamamayan lalo ngayong panahon ng pandemya.
Congratulations Mayor Joy, sampu ng mga nasa likod ng limang parangal.