Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NANAY TODAS SA SUMPAK NG 17-ANYOS LASING NA ANAK
Tatay pinagbantaang isusunod

071222 Hataw Frontpage

PATAY ang isang ina makaraang barilin ng sumpak ng binatilyong anak habang nakikipag-inuman sa mga barkada sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Remus Medina, ang biktima ay kinilalang si Violeta Petua Jover, 53, may asawa, walang trabaho, tubong Negros Occidental, at residente sa No. 15 Scorpio Street, T.S. Cruz Subdivision, Barangay Kaligayahan, Quezon City.

Agad naaresto ang 17-anyos anak ng biktima na kinilalang si Kent.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 9:30 pm nitong 10 Hulyo, nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya Jover.

Sa imbestigasyon ni P/SSg Nido B Gevero, Jr. ng CIDU, bago ang insidente ay nakikipag-inuman ang suspek sa kaniyang mga kaibigan sa loob ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang oras nang malasing ang suspek ay sinigawan nito sa harap ng kaniyang mga kainuman ang kanyang nanay na si Violeta at nagsabing… “Putang ina niyong lahat!”

Kasunod nito, nagwala ang suspek at inihagis ang mga bote ng softdrinks na walang laman, maging ang kanilang flower pot sa kaniyang mga bisita.

Nang makita ng nanay ang pagwawala ng anak, inawat niya ito ngunit mas lalong nagalit ang binatilyo, pumasok sa kaniyang silid at nang bumalik ay armado ng sumpak saka binaril ang kaniyang ina.

Nang duguang bumagsak ang ina ay galit na hinanap ng binatilyo ang kaniyang tatay na si Charlie kaya umawat na ang kaniyang mga kaanak hanggang mapakalma ang suspek.

Agad isinugod ng mga kaanak ang biktima sa Commonwealth Hospital and Medical Center ngunit binawian din ng buhay dakong 10:47 pm, ayon kay Dr. Claire Banzuelo, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaresto ng mga tanod ang binatilyo at kinompiska sa kaniya ang sumpak na ginamit sa pamamaril sa kaniyang ina.

Habang nasa kostudiya ng kanilang Barangay Hall ang binatilyo ay pinagbantaan pa nito ang kaniyang tatay at sinabing “‘Pag labas ko, isusunod kita!”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag sa mga awtoridad ang binatilyo kung ano ang kaniyang motibo sa pamamaril sa ina at kung bakit labis ang kaniyang galit sa sarili niyang ama. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …