Sunday , December 22 2024
Lianne Valentin Zoren Legaspi Carmina Villaroel

Lianne Valentin bagong kontrabida ng kanyang panahon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DEFINITELY! Tinuldukan na ni Lianne Valentin ang pagsasabing never in her wildest dream na aabot siya sa puntong magiging isang tunay na kabit o “the other woman.” Maski anupaman ang sitwasyong kaharapin niya sa buhay.

Kung in love na in love ka sa partner mo?

Malabo rin pong mangyari. Kasi, sisiguruhin ko naman kung nasaan ako sa sitwasyon  lalo na sa puso niya.”

Hindi mo alam. Huli na. You were betrayed. Pero ang kabuuan ng pagmamahal mo ay isang resibo na magpapatunay na hindi na magiging magihay ang pagsasama niyo.

All the more po. Na kung may deceit na at panloloko pala, kakayanin ko na iwanan siya at talikuran at kalimutan ang pagmamahalang pinagsaluhan namin. Mas masakit nga ‘yung niloko pa ako after na maibigay ko na ang lahat-lahat sa kanya.”

Hindi si Stella ng Apoy sa Langit ang nagsasalita. Ang nagbigay ng pahayag ay ang kinamumuhian nga sa nasabing serye ng Kapuso na si Lianne na tinatayang isa sa most prized possession o talent ng GMA-7 ngayon.

Kontrabida. The girl who’s turning 21 in August is impressing her audience sa pagsalang niya sa guidance ng director na si Laurice Guillen.

At napatunayan namin ‘yun nang makadaupang-palad si Lianne sa isang restaurant sa isang sosyal na mall. Naglapitan ang mga gustong magpa-selfie sa kanya. At tinatawag ang karakter niyang si Stella.

Nang i-post namin ang pictures with her, ilan lang sa komentong nabasa ko ay ‘yung panggigigil sa kanya ng netizen. Hindi dahil sa cute siya kundi dahil sa gusto siyang sabunutan dahil sa panlilinlang na ginagawa nila ng karakter ni Zoren Legaspi as Cesar sa asawa nitong ginagampanan naman ni Maricel Laxa.

Kung titingnan ang profile ni Lianne, in terms of achievements, she has gone a long way. Dahil child star din itong nagsimulang sumalang sa pagmo-model-model. Nang makasama sa Tropang Potchi, doon na nabuong lalo ang interes niya na magpatuloy na sa mundo ng entertainment. 

Pero ang pag-aaral ay ‘di nito isinasantabi. Third year in college na siya sa kinukuhang kurso sa isang unibersidad sa Cavite.

Ito na ba ang gusto niyang maging career path? Na maaaring ma-typecast sa pagiging kontrabida?

Sabihin na lang po nating bibigyan ko ng ibang mukha ang pagiging isang kontrabida. Na no two roles would be the same. At ang maipapangako ko lang eh, ang lalo pang galingan ang bawat role o project na darating sa akin. At kung sa level naman ng pagiging bida ang pumasok na oportunidad eh, most welcome po siyempre. Pero sa ipinagkatiwala sa akin dito, gustong-gusto ko po.”

Na maging kabit sa papel niya?

Nakilala ko ang pinaghuhugutan ni Stella sa paraan niya ng pag-asam at pagkuha ng pagmamahal sa mga taong nasa paligid niya. Dahil wala siya nito noong lumalaki siya. Kaya noong may magpakita sa kanya kahit sa katiting na paraan lang eh, dinama niya ang pagmamahal na ‘yun. Sa maling paraan nga lang.”

The chemistry with Zoren.

Noong una, ‘di niya ako pinansin sa first scene namin na pang-6th week na sa takbo ng story. ‘Yun pala, mayroon akong hindi nasagot na tanong niya sa akin noong nag-zoom reading kami. Akala niya deadma ako. Eh, hindi ko na nabasa sa rami na ng messages sa usapan. So  akala niya hindi ko siya pinapansin. Kaya, parang he wanted  to make things harder for me.  Eh, nahalata ‘yun. So, noong nagkausap na kami, ayun na. Kaya pala.”

Inalagaan siya ni direk Laurice at sa pamamagitan ng anak nitong si Ana Feleo  nakapag-workshop si Lianne sa paraang itinuro ni Eric Morris.

Kaya all the more nga na naiintindihan na niya ngayon ang ordeal of what being an other woman is about. Sa konteksto ng Apoy sa Langit alam ni Lianne na woman is about. Sa konteksto ng Apoy sa Langit alam ni Lianne na may magandang kalalabasan ang magiging hangganan ng karakter niya.

We are set to do our next locked-in taping. Yes, may idea na kami sa magiging ending nito. Pero mahaba-habang panahon pa nilang masusubaybayan ang journey ng katauhan ni Stella.”

Nagte-trending naman kasi ang mga eksena sa teaser at trailer ng kanilang palabas na umaabot sa million views. Kaya, palong-palo na si Lianne as Stella sa mga manonood.

Na nakagagamayan na nila ni Zoren sa napagkakasunduan nilang gawin sa mga eksena nila.

Naalala niyo ang under the table scene nila? Madadala ka na sa landian. May biglang humirit about gout! Ad lib! Pero natandaan!

Ang DMV Management ni Manny Valera ang nagma-maniobra ng karera ni Lianne. Na btang paslit pa lang ay talagang tinutukan na.

Akala ko magsasawa akong maging matiyaga. But with the help of everyone sa DMV, like si Ate Beth (delos Reyes) and si Kuya Allan naman sa GMA-7, alam ko na the time has come. Para ang lahat ng mga inaasam ko, pinagpupursigihan will come into fruition.”

Sa mabentang landian scenes nila ngayon ni Zoren, nagkaroon na ba ng chance na makita niya ang misis nitong si Carmina Villaroel?

Minsan. Nagkasabay-sabay kami sa swabbing. Nahiya ako kay Ate Carmina. Napa-hi lang ako kay Cassy. Pero nagkuwento naman si Kuya Zoren na noong napag-uusapan nila ang mga makakasama niya, approved naman ako kay Ate Carmina. I think, hindi nila pinapanood ang isa’t isa.”

Wala na ngang kaba sa ginagampanan niya. Ang bagong kontrabida ng kanyang panahon!

Sana makita pa natin siyang magningning sa pelikula! 

About Pilar Mateo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …