Tuesday , May 13 2025
Benhur Abalos DILG PNP

Kapasidad ng PNP vs anti-cybercrime, iaangat ni Abalos

PAGBUBUTIHIN at iaangat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kapasidad para sa anti-cybercrime ng Philippines National Police (PNP).

Ito ang paghayag ni DILG Secretary Benhur Abalos sa isinagawang flag ceremony sa PNP dahil sa pagkabahala sa tumataas na cybercrimes kabilang ang cyberpornography nang magsimula ang pandemyang dulot ng CoVid-19 noong 2020.

“Alam ko, ito ay bagong phenomena sa atin kaya please just inform me anong equipment ang kailangan ninyo,” ayon kay Abalos.

Hinikayat din ng kalihim na mag-seminar o mag-aral o kumuha ng technical people sa cybercrime kung kinakailangan.

“Kung kinakailangan mag-seminar o mag-aral po o kumuha pa ng technical people sa cybercrime, please do so inform us the soonest,” anang kalihim.

Nagpayo rin ang kalihim na turuan ang publiko tungkol sa cybercrimes.

Kasabay nito, ipinangako ni Abalos na lilikha siya ng team na tutulong sa mga pulis na mahaharap sa asunto o legal battles upang mapigilan ang demoralisasyon sa hanay ng PNP.

Aniya, kapag ang isang police officers ay nasangkot sa legal cases sa panahong ginawa niya kung ano ang tama sa trabaho, tutulong ang team na magsasagawa ng pagsusuri sa mga ebidensiya.

“Hindi ako papayag ma-demoralize ang ating mga pulis, gagawa ako ng sistema to raise funds, titingnan ko ito, kung nasa lugar at tama naman, I will create a team to evaluate the evidence, ‘wag kayong mag-alala,” giit niya.

“Tutulungan ko ang mga pulisya, I want you never to be demoralized, akin with our duty to uphold the law, to make sure that there is peace and order in our country,” dagdag ng DILG chief. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …