ni Ed de Leon
ISANG rich gay na matagal na raw nagtatanong sa “availability” ng isang poging matinee idol ang kinausap ng isang “big time manager” na “may sideline rin.”
Inialok din daw kasi sa kanya ang dating poging matinee idol na sa ngayopn ay “wala nang kayod at kailangang-kailangan ng pera.”
Ok naman sana sa rich gay pati na sa presyo, pero nang makita ng rich gay ang hitsura ngayon ng dating poging matinee idol na mukhang luoy na, ni-reject niya ang deal at hindi na ibinigay sa manager ang napagkasunduang “downpayment” na inaasahan din naman sana ng manager na sa kanya na.
Ganoon pala ang deal ngayon. Ang “downpayment” ay napupunta sa manager at ang “balance” lang ang sa talent pero dahil sa hitsura niyon ngayon, pareho silang nawalan ng dilihensiya.