HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKITA namin iyong pictures ni Iza Calzado na nakasuot ng costume ni Darna. Sayang, dahil nang makapagsuot siya ng costume ni
Darna, may edad na siya. Magsusuot na lang siya ng costume, hindi na siya puwedeng Darna. Eh kasi nang gawin naman ni Uncle Mars ang character na iyan, talagang bata si Narda na nagiging Darna. Kung si Iza ay gagawin nilang Darna, hindi na bata ang hahanapin nilang Ding, dapat ay binata na.
Nanghihinayang kami riyan kay Iza. May hitsura, marunong namang umarte, pero mukhang hindi tama ang diskarte sa career kaya hindi sumikat nang husto. Kung hindi nga lang siguro namatay ang tatay niyang si Lito Calzado, naturuan pa siya at maaalalayan ang takbo ng kanyang career at tiyak mas sikat siya kaysa ngayon.
Minsan talaga iyang career ng isang artista, depende sa diskarte iyan eh.