Saturday , November 16 2024
Suspek sa pagpaslang sa dalaga sa Bulacan tiklo

Suspek sa pagpaslang sa dalaga sa Bulacan tiklo

ILANG oras matapos matagpuan ang bangkay ng isang dalaga sa Brgy. Tikay, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, naaresto ang sinasabing salarin sa hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya nitong Huwebes, 7 Hulyo.

Kinilala ang suspek na si Darwin Hernandez de Jesus, nasakote sa bahay ng kanyang ina sa Brgy. Tabang, Guiguinto na nabatid na malapit din sa bahay ng biktima.

Hindi na nagawang manlaban ng suspek nang masukol ng magkasanib na puwersa ng pulisya ng Malolos CPS, Guiguinto MPS, at Bulacan PPO.

Itinuturo si De Jesus na pumatay sa biktimang si Princess Dianne Dayor, 24 anyos, ng nabanggit na barangay, nawala noong madaling araw ng Sabado, 2 Hulyo.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa sapa sa Brgy. Tikay, Malolos, nitong Martes, 5 Hulyo, na sinasabing biktima ng pagnanakaw dahil nawala ang mga gamit na iPhone 11 at pitaka na naglalaman ng pera. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …