Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

Sa serye ng mga operasyon kontra krimen
7 TULAK, 4 PUGANTE, KAWATAN, 2 PA TIMBOG

DERETSO sa kulungan ang pitong personalidad sa droga, isang kawatan, apat na pugante, at dalawang pasaway matapos maaresto sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Huwebes ng umaga, 7 Hulyo.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, inilatag ang anti-illegal drug operations ng mga police stations ng Bocaue, Obando, San Miguel, Sta. Maria, at San Jose del Monte na nagresulta sa pagkakaaresto ng drug suspects na kinilalang sina Cherrylyn Cabuhat, alyas Charot, ng Brgy. Santol, Balagtas;  Alfred Cañotal, alyas Chickpon, Elvira Enorio, alyas Bona, at Edgar Engao, pawang mga residente sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte; Joey Dino, alyas Ego ng Brgy. Tigpalas, San Miguel; Jesus Rivera, alyas Duging ng Brgy. Bunlo, Bocaue; at Albert De Guzman, alyas Abet ng Brgy. Paliwas, Obando.

Nakompiska mula sa mga suspek ang kabuuang 27 pakete ng hinihinalang shabu, coin purse, at buy bust money na ginamit na pain sa mga naaresto.

Kasunod nito, dinakip ang suspek na kinilalang si Micko Panuelos ng Brgy. Sta. Rosa I, Marilao, ng mga nagrespondeng tauhan ng Sta. Maria MPS dahil sa pagkulimbat ng scrap metal sa likod ng isang tindahan sa Brgy. San Gabriel, Sta. Maria.

Arestado rin sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng San Ildefonso MPS ang suspek na kinilalang si Christopher Dela Cruz ng Brgy. Pala-Pala, San Ildefonso matapos maaktohan sa sugal na STL bookies.

Sa isinagawang manhunt operations ng tracker teams ng mga estasyon ng Bocaue, Norzagaray, at San Jose del Monte, Provincial Intelligence Unit (PIU), mga elemento ng 2nd PMFC Bulacan PPO, 301st MC RMFB-3, PHPT Bulacan, at 3rd SOU-Maritime Group, nasukol ang apat na puganteng kinilalang sina Jocelyn Juan ng Brgy. Batia, Bocaue para sa kasong paglabag sa RA 10175 (Cyber Crime Prevention Act); Rita Nervar ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte sa paglabag sa BP 22 (Bouncing Check Law); John Aron Tan ng Brgy. Abangan Norte, Marilao sa kasong Rape by Sexual Assault; at Mark Raymond Fugueras ng Brgy. Matictic, Norzagaray sa kasong Acts of Lasciviousness. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …