BEIJING, July 6 (Xinhua) – Nagdagdag pa ng limang national players ang Chinese Basketball Association (CBA) sa listahan na nagpositibo sa Covid-19 pagkaraang maglaro ang China sa Australia para sa FIBA World Cup Asian qualifiers. Karagdagan iyon sa naunang ilang miyembro na tinamaan ng virus.
May kartang dalawang panalo at dalawang talo ang China sa World cup Asian qualifiers at susulong sila sa ‘next phase’ ng qualifiers. Ang team ay lumipad sa Indonesia bilang preparasyon para sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa July 12.
Pahayag ng CBA na ilang miyembro ng Team China ang nagpositibo sa Covid-19 sa game nila sa Melbourne. Agad namang hiniwalay sila at binigyan ng kaukulang lunas.
Ang nalalabing miyembro ng Team China na hindi tinamaan ng virus ay dumiretso sa Indonesia nung Miyerkules, nagdagdag ng limang players ang CBA sa roster para maipagpatuloy ang kanilang kampanya sa Asia Cup. Ang mga napositibo na naiwan sa Melbourne ay posible pang makahabol sa torneyo sa oras na gumaling sila.
Makakaharap ng China ang South Korea, Bahrain at Chinese Taipei sa group stage ng FIBA Asia Cup.
Nagpahayag din ang CBA na ang manlalaro rin nila para lumahok sa 3X3 basketball ay tested positive sa Covid-19. Sa kasalukuyan ay binibigyan din slya ng kaukulang atensiyon.
“Everyone in the national team is well aware of the difficulties, risks and challenges ahead, but they choose to do their best to fight for the country. The CBA pay tribute to them for their courage and commitment, and to those people standing behind and supporting them at this moment,” pahayag ng CBA sa kanilang statement.