HATAWAN
ni Ed de Leon
PARANG unfair naman iyong basta may bagong serye ang sinasabi agad nila ay matatalo na nila ang Ang Probinsyano. Totoo naman kasing walang nakatalo sa action-serye ni Coco Martin sa loob ng apat na taon. Natalo lang iyon nang masara na ang ABS-CBN dahil natapos na nga ang kanilang prangkisa. Nagtuloy ang Ang Probinsyano sa cable na lang at sa live streaming sa internet. Paano mo naman ikukompara iyon sa dating estasyon nila na 150 kw ang power, at lumalabas sa mahigit na 50 provincial stations.
Ngayon napapanood iyon sa dalawang free tv channels na nagba-blocktime ang ABS-CBN. Pero mas mahina ang mga estasyong iyon kaysa dati nilang network.
Paano ngang makakalaban iyong hindi mo naman napapanood sa lahat ng lugar?