Friday , November 15 2024
Sa Angeles City, Pampanga ‘KANO NASABAT SA DRUG BUST

Sa Angeles City, Pampanga
‘KANO NASABAT SA DRUG BUST

ARESTADO ang isang American national matapos bentahan ng ilegal na droga ang undercover PDEA agent sa ikinasang buy bust operation sa isang motel sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Hulyo.

Kinilala ng mga operatiba ng PDEA Pampanga ang arestadong suspek na si James Baginski, 57 anyos, American national at residente sa Kandi Tower, Brgy. Malabanias, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na si Baginski ay mula sa Hawaii, USA at nasa bansa simula pa noong 2019.

Isinailalim ang suspek sa surveillance ng PDEA kasunod ang tip mula sa isang confidential informant simula pa nitong Hunyo.

Nakuha kay Baginski ang isang selyadong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P34,500; dalawang self-sealing transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang cocaine, driver’s license; cellphone; at buy bust money.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs), Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …