Wednesday , May 14 2025
Malacañan

Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens

DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na idinaos sa Malacañang, dalawang araw matapos maluklok bilang ika-17 Pangulo ng Filipinas ang kanyang tanging anak na lalaki, Ferdinand Marcos Jr.

               Ipinagdiwang ni Gng. Marcos ang ika-93 kaarawan noong Sabado, 02 Hulyo 2022.

Kahit kumalat sa social media ang mga larawan at video na kuha sa birthday party ni Gng. Marcos, hindi ito kinompirma o itinanggi ng Palasyo.

“We will only be releasing statements on issues where public interest/welfare is involved,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang kalatas kahapon.

Pamoso ang dating Unang Ginang na mahilig mag-host ng party sa Palasyo para sa mga kaibigan noong rehimeng Marcos, lalo sa kasagsagan ng batas militar.

“Habang ang mga anakpawis ay nagdurusa sa taas ng bilihin, walang humpay na pagtaas ng presyo ng krudo at kawalan ng hanapbuhay, eto ang mga taong sinasamba ng 31 milyong bumoto sa mga magnanakaw at sinungaling!” ayon sa isang netizen.

“When there is a lavish party held in a government building maintained by taxes of Filipino people like Malacañang, THAT IS A PUBLIC CONCERN! Not to mention maraming naghihirap sa taas ng bilihin at pasahe ngayon dahil sa inflation,” komento ng isang netizen.

               “Continued [good] health, blessings, and joy,” ang wish ni Pangulong Marcos para sa kanyang ina na ipinaskil sa kanyang official Facebook page noong Sabado.

Inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, second cousin ng Pangulo, na maninirahan ang First Family sa Bahay Pangarap sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …