Friday , November 15 2024
Nasamsam ng PDEA P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L

Nasamsam ng PDEA
P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 

UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon ang nakompiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy bust operation sa Quezon City at Cavite nitong Linggo.

Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang naaresto sa isang buy bust operation ang suspek na si Cai Jia Zhu, alyas Anson Chua, 41, ng Durian St., Cuevas Ville Subdivision, Molino III, Bacoor, Cavite.

Ayon kay Regional Director Christian Frovaldo, ng PDEA-National Capital Region (NCR), dakong 10:30 am, 3 Hulyo, nang isagawa ang operasyon laban kay Chua, sa Maria Clara St., Banawe, Quezon City.

Agad inaresto ang suspek at nakompiskahan ng 40 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272 milyon, isang unit na android phone, dalawang COVID-19 vaccination ID; driver’s license, at isang Toyota Corolla.

Samantala, dakong 11:30 am naman nang maaresto ang suspek na si Hai Lin, 41, sa kanyang tahanan sa Fullana St., corner Soriano St., Avida Residences, Santa Catalina, Molino-Paliparan Road, sa Dasmariñas, Cavite.

Nakompiska kay Lin ang 220 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.496 bilyon, tatlong Unit na Android phone, isang analog na telepono, isang IOS phone, isang COVID-19 vaccination ID at driver’s license.

Ang mga suspek ay nakapiit na at kapwa sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …