Tuesday , April 8 2025
Rene Mark Cuarto

Cuarto talo kay Valladeres via split decision

NAYARI ang koronang hawak ni Rene Mark Cuarto ng Pilipinas  nang talunin siya ni Mexican challenger Daniel Valladares para sa Internatinal Boxing Federation (IBF) minimumweight belt sa isang dikitang laban noong Sabado sa Monterrey, Nuevo Leon, Mexico.

Katulad ng inaasahan, lamang ang local boxer sa kanilang teritoryo nang ibigay sa kanya  ng dalawang hurado ang kalamangan  116-11 at 115-112 , samantalang ang isa naman ay ibinigay kay Cuarto ang iskor na 114-113.

Sinimulan ni Valladares ang laban nang may lakas at pagpupursige na lamangan agad sa puntos ang kampeon.

Uminit ang laban ng dalawa sa mga sumunod na round na nakapalitan sila ng mga solido at matitinding kombinasyon.

Sa  pagpapatuloy ng  round ay nakapagpatama ang beinte-singko anyos na si Cuarto ng solidong kanan.   Sa 4th round ay disgrasyang nagka-untugan ang dalawa na naging sanhi para magkaroon ng putok sa ulo ang challenger.

Hindi naging sagabal iyon kay Valladares para kontrolin ang laban sa sumunod na tatlong rounds.  Pero gumanti si Cuarto sa round eight  at nagpakawala ng matitinding kombinasyon.

Sa 10th round ay nabawasan ng puntos ang Pinoy boxer dahil sa patuloy na warning ng reperi sa kumalas na tape sa gloves na hindi agad naremedyuhan ng kanyang korner.

Malakas na tinapos ni Valladares ang 12th at final round  para ma-impres ang mga hurado.

Sa panalo ng Mexican fighter, nag-imprub ang kanyang ring record sa  26-3-1, 15 KOs, samantalang si Cuarto ay sumemplang sa 20-3-2, 11 KOs.

Nakakalungkot man isipin, sa pagkatalo ni Cuarto,   ang Pilipinas ay meron na lang isang  world champion  sa katauhan ni WBC featherweight Mark Magsayo.

Idedepensa ni Magsayo ang kanyang korona sa July 9 sa San Antonio, Texas kontra kay Rey Vargas ng Mexico.

About hataw tabloid

Check Also

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Laela Mateo

Laela Mateo handang sumabak sa PH junior team

ANG open basketball program ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ay isang mabisang programa para …