Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Bumatak muna bago umatake
KAWATAN TIMBOG SA BULACAN

PARA lumakas ang loob, bumabatak muna ng marijuana ang isang pinaniniwalaang magnanakaw na naaresto ng pulisya sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na si Arwin Abergas, residente sa Brgy. Saog, bayan ng Marilao, sa nabanggit na lalawigan.

Dinakip si Abergas ng mga elemento ng San Jose del Monte CPS matapos mangulimbat ng iba’t ibang gamit sa loob ng isang tindahan.

Nang kapkapan ng mga awtoridad ang suspek, nasabat sa kanyang pag-iingat ang mga tuyong dahon ng marijuana na nakabilot sa papel, improvised tooter, sling bag, at iba pang mga gamit na ninakaw.

Napag-alamang bago umatake ang suspek sa lugar o establisimiyento, bumabatak muna siya ng marijuana upang pampalakas ng loob sa gagawing pagnanakaw. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …