IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing Special Economic Zone and Freeport Zone ang Bulacan Airport City.
Batay sa liham ni Marcos, Jr., na ipinadala sa tanggapan ng Senate President, sinabi niyang hindi niya sinusuportahan ang naturang bill dahil salungat ito sa layunin ng gobyerno na bumuo ng tax system.
Bagaman kinikilala umano ni Marcos, Jr., ang layunin ng panukalang batas, kailangan pa rin mag-ingat sa paggamit ng pondo dahil humaharap pa rin ang bansa sa matinding krisis hatid ng pandemyang COVID-19.
Samantala, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kailangan ang malalimang pag-aaral sa planong economic zone upang matiyak kung mayroon itong pakinabang sa bansa. (MICKA BAUTISTA)