Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

14 law violators kinalawit sa Bulacan

MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 14 kataong pawang may paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 3 Hulyo.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, unang naaresto ang limang suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng mga himpilan ng pulisya ng Baliwag, Malolos, at Plaridel.

Kinilala ang mga suspek na sina Ace Delos Arcos, alyas Toh ng Brgy. Longos, Malolos; Louie Vergara ng Brgy. Bulihan, Malolos; Jesusa De Jesus ng Brgy. Sapang Bayan 3rd Island, Calumpit; Ernesto De Jesus, alyas Estong ng Brgy. Parulan, Plaridel; at Benjie Hermo ng Brgy. Poblacion, Baliwag.

Nakompiska mula sa mga suspek, sa isinagawang operasyon ang siyam na pakete ng hinihinlaang shabu, apat na pakete at dalawang selyadong plastic na bloke ng tuyong dahon ng marijuana, pouch, motorsiklo, at buy bust money.

Gayondin, sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng mga elemento ng mga police stations ng Marilao at San Miguel, nadakip ang pitong indibiduwal na kinilalang sina Niño De Guzman ng San Isidro, Nueva Ecija; Darel Maragrag ng Gapan, Nueva Ecija; Rhapunzel Dumpit ng Guagua, Pampanga; Gerald Babela, Joel Lubiano, at Jeffrey Velasquez, pawang taga-Valenzuela; at Diane Rivera ng Marilao, Bulacan.

Nahuli ang mga suspek sa aktong nagsusugal ng cara y cruz at nakompiska mula sa kanila ang anim na pirasong pisong baryang ginamit na ‘pato sa kara’ at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Samantala, nasukol ang dalawang suspek sa magkahiwalay na insidente ng krimen na naganap sa mga bayan ng Bocaue at Pulilan.

Kinilala ang mga akusadong sina alyas Dave ng Brgy. Longos, Pulilan, may kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 (Child Abuse Law); at Albert Pineda ng Brgy. Batia, Bocaue para sa kasong Theft kaugnay naman sa RA 7610. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …