HATAWAN
ni Ed de Leon
ANG lakas ng tawa namin nang marinig na umaariba na naman ang isang socio-poltical climber at nag-a-apply naman ngayon sa grupo ng isang congressman matapos niyang makitang malabo pa sa matang may katarata ang chances niyang maging chairman ng MTRCB na siya niyang pangarap.
Ewan kung papatulan siya ni congressman, lalo na’t alam na lahat ng kandidato niya noong nakaraang eleksiyon ay minalas, at lahat naman ng artistang dinikitan niya noon ay lumubog, maliban sa isa na sumikat noong layasan na siya.
Mahilig siya talagang sumugal, kahit na ang ambisyon niya ay suntok lang sa buwan.