ni Glen P. Sibonga
KASABAY ni JC Santos at ng misis niyang si Shyleena Herrera na inilunsad bilang ambassadors ng BeauteHaus skin clinic at Beautederm Group of Companies ang local ambassadors mula sa Pampanga.
Puno ng sigla at kasiyahang humarap sa press people noong June 26 sa Marriott Hotel sa Angeles City, Pampanga ang mga Kapampangan local ambassadors sa pangunguna ng internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang kasama rin ang fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea. Kasama rin nila bilang ambassador ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos na hindi nakadalo sa event.
Lahat sila ay proud na maging bahagi ng Beautederm family at nagpapasalamat sa pagtitiwalang ibinigay sa kanila ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan. Lalo pa nang matanong namin sila kung ano para sa kanila ang significance ng pagsusuot ng official jacket ng Beautederm at ano ang masasabi nila tungkol kay Ms. Rhea o Rei kung tawagin siya sa kanyang palayaw.
Gaya na lang ng naging sagot ni Voltaire, “Nakaka-proud! Wearing this jacket gives us information na we are recognized as people who excel in our respective fields. We represent different sectors, like I’m from the live events industry. We have fashion designers, media personalities, physicians, businessmen, ang dami. Parang gathering everyone and being ambassadors of a well-known respected company give us the pride, and the affirmation that we really are doing good in our respective field. So, thank you very much to Beautederm for recognizing us. We would also like to serve as an inspiration to others na to excel in their respective field.
“I have known Rhea since the time na nasa Savers pa siya. Even before until now talagang siya pa rin. The Rei who was introduced to me before is still the same Rei now. Hindi siya nagbago. Well, siyempre yumaman nang yumaman, pero she gives us that inspiration na to put your feet on the ground and let others recognize your achievements, parang ganoon.”
Si Marlon naman ay kabilang sa naging beneficiary ng Beautederm nang itatag nito ang ContriBeauT Foundation na tumutulong sa mga nangangailangan. Naging madamdamin nga ang salaysay ni Marlon. “Beautederm for me is my family. Four months ago na-stroke ako. Momshie Rei was the first one who helped me. So, noong pagkasuot ko kanina ng jacket na ito, naging kampante ako na I’m with my family right now. I love you, Momshie Rei!”
Hindi naman inakala ni IC na magiging Beautederm ambassador siya. Kuwento nga niya, “When I was considered to be one of the ambassadors, ang tanong ko, ‘Sigurado ba sila na kinukuha nila ako?’ I don’t have the standards or qualifications of being a beauty ambassador. So, nagulat ako talaga. Sabi ko, ‘Sige try natin ito.’ Actually, marami po akong natutunan with Beautederm. Maganda po ang pagsasamahan dito at ‘yung pamilya. And my being part of this family is a manifestation that Beautederm recognizes not just the physical traits of a person, but the beauty within. For Ms. Rei Tan, I would like to thank you for being so generous and for being kind-hearted. These are the qualities that encompasses a Beautederm ambassador.”
Pinatunayan naman ni Lance na hindi lang dahil pamangkin siya ni Ms. Rhea kaya naging Beautederm ambassador siya. Naging mahusay siyang creative director ng furniture business nila. Nasaksihan din namin ang galing niyang mag-entertain ng mga tao sa tuwing ipinamamalas niya ang husay sa pagsasayaw sa mall shows, store openings at events ng Beautederm. At ngayon kasama rin siya sa creative team na nag-aasikaso sa itinatayong sosyal at bonggang Beautéderm Corporate Center sa Pampanga.
“I’m really blessed to be here. It’s really fulfilling to be seated here together will all these talented people from Pampanga. One thing I loved about Beautederm is that beauty is more than the outside, the physical. Beauty is more in what’s internal to you, the beauty inside, and the beauty in everything, seeing the beauty in life. That’s one thing that Tita Rhea taught to us. And she is so humble, very welcoming and hospitable even if she just met the person. It’s something that I want to look up to. It’s just a great feeling to be part of this family that welcomes everybody. Everything is built with love. As ambassadors, we don’t really start out because we are pretty influencers or what not, but it’s really out of the genuine friendships that Tita Rei forms with everyone, and that’s something that we all embody here today. And of course to Tita Rei, I’m really grateful. We started out of college, no experience, but she’s a true mentor not just in the business aspect but in life as well. So, thank you Tita and congratulations!”
Very humble pa rin si Mak sa kabila ng tinatamasang kasikatan sa international fashion industry at tangi niyang nasabi ay, “Very proud ako na part ako ng napakalaking Beautederm family. Very grateful na nabigyan ako ng opportunity ni ma’am Rei. Napakabait niya at sobrang maalaga.”
Kaya naman tuwang-tuwa at very proud din si Ms. Rhea sa kanyang local ambassadors from Pampanga. “Kaya sobrang love ko lahat ng babies ko, walang mga ere. Iyan ang gusto kong babies. Lahat sila nagsa-shine sa kanilang larangan. Pero tignan mo naman talagang napaka-simple nilang mga tao.”